Dahil sa takot ko pinikit ko nalang ang aking mga mata...
para bang pabilis ng pabilis ang paglalakad at palapit ng palapit ang tunog na naririnig ko. At sawakas huminto na ito at alam kong nasaharapan ko na sya..
Unting unti akong nanlamig ngunit wala naman lakas ng hangin ni isang ihip man lang.. Tumaas na ang balahibo ko ng narandaman kong may parang humawak sa mahabang itim na buhok ko...
Wala akong narandamang kamay na humahak dito pero randam ko ang chills at lamag ng biglang...
*CRASHHH*
Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumingon sa likod ko, bigla na lang bumagsak ang isang vase at ang nakakagulat pa dito ay, ang mga rosas na napakausbong kanina ay ngayon sira na at may tumtutulong dugo sa lamesa na kinabaksakan nito..
Dahil na destruct ako nakalimutan ko na ang kaba ko sa kung ano mang bagay na humawak sa aking buhok. "...pulang rosas..." narinig kong may bumulong sa akin at bigla nalang namatay ang ilaw..
Sa pagkataranta ko, kinuha ko kaagad ang bagay na nasatabi ko ngunit di ko alam kong ano iyon.
"Wag kang lalapit sa akin!!" ako
Walang sumagot sa akin at unti unti kong hinigpitan ang hawak ko. Nagiging pasma na ang kamay ko sa takot at nerbyos.
"Kayang kaya kitang saktan!! Di ako natata--"
Bago ko matapos ang sasabihin ko biglang bumakas ang ilaw at nagulantang ako sa aking mga nakita.
Ang Kaninang Malines na pader ng museyo ay pinuno na ng mga sulat.. Napadilat ako sa aking mga nakita..
"Eve, Eve, Eve, Eve, Bumaba ka.... Eve ... Maglaro tayo... " Binasa ko ito at napaisip..
Ano ang aming lalaruin?
kanina ang saya say pa naming pumunta dito kasama ng aking pamilya?
nandito ako kanina para magcelebrate ng birthday ko at bakit ganito na ang nanyayari??
"Magpatuloy ka..." binangit ko sa sarili ko at ako ay naglakad papunta sa hagdaan. "Kung gusto mo makalabas eve, Magpatuloy ka..." Napatalon ako ng biglang may humampas sa bintana malapit sa painting ng lalaking natutulog kanina... Pero napinsin kong impossible na magkaroon ng tao sa labas na ganun kataas ... Kaya baka namalikmata lang ako.
Habang naglalakad ako paba ng hagdaan ramdam ko na may nagmamasad sa akin at alam kong di ako nagiisa.. kahit na alam ko na may nagmamasid sa akin.. Winalang bahala ko nalang ito at patuloy na naglakad pababa..
Katulad ng Nasataas.. Ang ilaw din dito sa baba ay papatay bukas at ang kalat ng buong lugar na parang may bagyong dumaan..
Ang kaninang maayos na istatua ngayon ay basag na sa lapag, ang mga larawan ay nakatabingi.. ang mga vase basag at may tumtulong kung akong kulay yellow, blue at red na bagay.. ang bintana parang tinapunan ng dugo at ang mga pader parang binato ng pintura...
Habang naglalakad ako papunta sa loob ng lobby may nakita akong isang estatua ng Pulang rosas at Parang tunay ito sa ganda.. Ngayon ko lang napansin at nagandahan ako ng sobra... Dahil sa ganda neto... Nakalimutan ko na kung ano talaga ang pakay ko...
Pero na distract ako ng bigla nalang tunog akong narinig.. Parang tunog ng tao na tumalon sa tubig..
Pinuntahan ko kung saan ito.. at nakita ko ng foot prints na naglelead ng daan papunta sa isang painting...
Isang painting ng Lantern Fish na nasa dagat... Pero ang nakamamangha dito gumagalaw ang lantern fish na parang buhay na buhay.. .
"ang ganda..." Sabi ko sabay hinawakan ang painting at nagulat ako ng tumagos ang aking kamay.. Agad agad ko tong hinila at natakot ng sobra..
Lumayo ako sa painting pero parang...
May nagsasabi sa akin na tumalon ako dito at nandoon ang exit... habang nagiisip ng matagal nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko..
"tatalon ka ba o hindi?" sabi nya..
Patalikod na ako ng bigla nya akong tinulak sa loob ng painting at bigla nalang ako tumagos dito, Pero bako nya ako naitulak.. Nakitako ang muka ng isang babae na walang mata at ang ngiti abot sa tenga...
At ang nakakagulat sa lahat........
Ang taong tumulak sa akin.......
Ay ang sarili ko.... nung bata pa ako........