Lumipas ang tatlong araw, wala paring balita si Dward mula kay Jady kung magkikita ba sila. Hinanap nya to kung saan saan. Lagi syang pumupunta sa plaza at inaabangan kung dadating ito doon.Sa sobrang pagod umuwi nalang si Dward sa bahay nila.
"Hayss. Hindi ko na talaga ata sya makikita." malungkot nyang sabi sa sarili.
Paguwi nya sa bahay ay dumeretso sya sa kusina para uminom ng tubig at pagtapos ay umakyat na deretso sa kwarto nila sa taas sabay kuha ng painting na bigay ni Jady sa kanya. Pimagmasdan nya itong mabuti may napansin sya. "Eto yung puno ng mangga sa tabi ng ilog ah." Pinagmasdan nya itong maigi at hindi nga sya nagkamali. Pininta ng dalaga ang ilog na malapit sa school nila at sa loob ng painting ay may isang babaeng nakaupo na kapareho ng damit ni Jady nung araw na inupakan nya si Elly. Tinalikod ni Dward ang painting at na kita nya sa bandang baba nito na may nakasulat na 5:00pm. "Ha? Anong ibig sabihin nito?" tanong sa sarili. Sa sobrang pagtataka at paghahanap ng sagot, pinuntahan nya ang nasabing ilog nang 5:00pm. At nagulat sya dahil nandun nakaupo si Jady.
"Ang tagal mo naman bago nakuha yung sagot." -Jady
"Huh? Ibig mong sabihin planado mo na to?" -Edward
"Oo. Tatlong araw na nga ko pabalik balik dito ee. Kala ko mahuhulaan mo agad." -Jady
"Grabe ka, ang galing mo. Pero bakit nga pala dito?" -Edward
"Uhm. Dito kasi ako laging nagpupunta pag gusto kong mag isa. Tuwing alas singko ng hapon yun, araw araw." -Jady
"Ah. Ee bakit naman gusto momg mapagisa minsan?" -Edward
"Wala lang. Gusto kolang takasan lahat. Ang gulo gulo na kasi samin ee. Lagi nang nagaaway si mama at papa. Tas parang di na nila ko napapansin dahil sa sobrang busy nila. Wala na ngang pahinga yung puso ko sa kaka iyak ee." -Jady (sabay luha)
"Oh wag ka nang umiyak dyan. (lumapit kay Jady) Nandito ka naman sa comfort place mo ee. Tsa nandito ako para icomfort ka." -Edward
"Haha (punas sa luha) salamat ah. Buti nakarating ka, kala ko dimo na mahuhulaan yung nasa painting ee. Tsaka nga pala, trivia lang. Nung una tayong nagkita, ayun lang yung unang tawa ko simula nung magbakasyon." -Jady
"Oh. Ibig mong sabihin bihira kang makarinig ng mga jokes and fun stuffs?" -Edward
"Oo ee. Lagi lang akong nandito tsaka sa bahay, laging tutok sa paintings simula nung magbakasyon." -Jady
"Ah. Sige halika!" -Edward
"Huh? San tayo pupunta?" -Jady
"Basta sumama ka nalang." -Edward
Hinawakan nya sa kamay si Jady sabay tumakbo sa ilalim ng malaking puno.
"Ano namang ginagawa natin dito. Haha?" -Jady
"Basta panoorin mo to." -Edward
Umakyat si Edward sa puno at tumayo sa isang sanga at may tinignan.
"Halika dito! Akyat ka bilis!" -Edward
Dalidaling umakyat si Jady naparang normal lang sa kanyang umakyat ng matataas na puno.
"Ano bayang ipapakita mo?" -Jady
"Tignan mo yun oh. Silipin mo." -Edward
Sinilip ni Jady ang isang maliit na espasyo ng puno at namangha sa nakita nya. Isang pugad ng agila at nandon ang tatlo nitong anak.
"Wow! Ngayon lang ako nakakita nito. Napaka sarap sa pakiramdam." -Jady
"Tignan mo yung nasa taas oh! Ayun ata yung nanay nila." -Edward
Tinignan nilang dalawa ang agila na palipad lipad sa taas nila. Ng biglang
Pluk!
"Ahhhh iniputan. Hahahahaha." -Jady
"Aba bastos tong ibon nato ah!" -Edward (sabay punas ng ulo)
Tawa ng tawa si Jady sa nangyari at nagpasyang pumunta ng ilog.
"Tara Dward punta tayo sa ilog, dun ka na rin maghugas ng ulo mo. Hahaha." -Jady
Pagkadating nila sa ilog ay agad naghugas ng ulo si Edward at si Jady naman ay kumuha ng dalawang bote sa bag nya at dalawang papel.
"Anong gagawin mo dyan?" -Edward
"Maglalabas tayo ng sama ng loob!" -Jady
"Huh? Pano?" -Edward
"Basta isulat mo lang kung anong gusto mong sabihin at kung anong laman ng puso mo. Tas ilalagay natin sa loob ng bote at papaagos natin sa ilog. Hayaan nating tangayin ng daloy yung problema natin." -Jady
Sabay silang sumulat sa papel pagkatapos ay nilagay na nila sa bote. Bumilang si Jady ng tatlo ay parehas na nilang binitawan ang bote sa ilog.
"Hayyy. Nabawas bawasan din. Salamat Dward ah." -Jady
"Bakit ka naman nagpapasalamat?" -Edward
"Kasi sinamahan moko ee. Tas pinasaya moko. Basta salamat." -Jady
"Ah yun. Wala yun. Hehe." -Edward
"Haha. Btw, ano nga palang sinulat mong problema mo dun?" -Jady
"Wala, wala naman akong problemang dapat ilagay dun ee." -Edward
"Ee anong sinulat mo?" -Jady
"Pasasalamat. Pasasalamat kasi nakilala kita, pasasalamat kasi nakasama kita ngayon, at pasasalamat kasi kahit papano ay nabigyan ko ng ngiti yang mga labi mo." -Edward
Nagkatititigan ang dalawa at hinawakan ni Jady ang kamay ni Edward. Napa atras sa kaba si Edward pero hinatak sya ni Jady at niyakap ng mahigpit.
"Salamat." -Jady
Nasundan ng ilang pagkikita pa ang dalawa, kada magkikita sila ay puro tawanan at kasiyahan lang. Walang iniisip na problema at puro kuwentuhan ng mga bagay bagay na nasa paligid o kahit mga random topics lang na maisip nila. Di sila naubusan ng mga topics at mga kung anong gagawin para maging masaya. Magkikita sila tuwing alas tres ng hapon sa ilog hanggang alas sais. Minsan pa nga ay tumatakas silang dalawa tuwing hating gabi para pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Hindi matanggal sa dalawa ang bakas ng kasiyahang nabibigay nila sa isat isa. Marahil ito na siguro ang isa sa mga pinaka masayang parte na nangyari sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
I Was Looking For You
RomanceThis is a story of a promise. A childhood promise. A promise of true love. A promise of a lifetime. A promise of forever A promise of two people sharing mutual feelings. But the girl is missing! No communication. No referrences. No clue. Will he and...