The Promise

21 3 2
                                    


"Oh tol. Kamusta na kayo? Parang lagi ka nang masaya ah. Tsaka di kana naglalagi dito sa bahay." puna ni Elly sa mga naoobserbahan nya kay Edward.

"Okey kami tol. Masaya kaming dalawa. Lagi na nga kaming magkasama ee. Tsaka alam mo ba, niyakap na nya ko." kinikilig na sagot ni Edward.

"Ayos yan tol. Masaya ako para sa inyo. Pero siguro alam mo na naman diba?" -Elly

"Huh? Alam ang alin?" - Edward

"Yung sinabi ni tita Marie na dun na tayo kila mommy sa manila mag aaral para sa high school." -Edward

"Ah oo nga pala tol." malungkot na pagkakabanggit ni Edward. Naging tahimik at malalim ang isip ni Edward.

"Pasensya kana tol kung kailangan ko pa sayong ipaalala yun sayo ah. Sinabihan kasi ako ni tita na isang linggo nalang at aalis na tayo para maayos na yung mga papeles sa school." -Elly

"Okey lang yun tol." -Edward
(Napaisip saglit at biglang sinabing)

"Bago tayo umalis, bibigyan ko sya ng isang linggong di nya makakalimutan." -Edward

Dalidaling pumunta si Edward sa tagpuan nila ni Jady. Ala una palang ay nandun na sya at hintay mag alas tres hanggang dumating ang dalaga.

"Oh! Ngayon kalang maaga ah. Anong nakain mo bakit dika na late?" -Jady

"Haha wala nang naraming tanong. Halika sumama ka sakin." -Edward

Sabay hawak sa kamay ni Jady at sumama namin ito. Sumakay sila ng jeep at dinala nya ang dalaga sa isang carnival.

"Birthday mo ba? Anong gagawin natin dito." -Jady

"Basta magsasaya tayo." -Edward

Agad bumili sa Dward ng ticket para sa mga rides. Una nilang sinakyan ang bumper car, tas roller coaster, hunted house, fairy's wheel, at marami pang ibang attractions. Pag katapos ay sumakay ulit sila ng jeep, papunta naman sa isang lake house na pagmamayari ng lolo ni Edward.

"Wow, ang laki naman ng bahay nato. Kanino to? Sa inyo?" -Jady

"Actually sa lolo ko, nakapangalan to saming dalawa ni Elly. Kaso di kami pinapayagan tumira dito ni lola kasi nga hiwalay sila ni loo. Kaya ngayon naka tengga nalang to." -Edward

"Ah. Pero sinong nakatira dito ngayon?" -Jady

"Yung katiwala lang ni lolo tsaka yung kapatid nya. Nandun sila ata ngayon sa likod ee. Mahilig kasi magkumpuni ng mga sirang sasakyan yun." -Edward

Pinunta nya si Jady salikod ng bahay kung saan mga sampong hakbang lang ay abot ba ang lawa.

"Jady, marunong kaba lumangoy?" -Edward

"Hindi ee... Pero may tiwala ako sayo." -Jady

Sabay talon sa tubig na di man lang alam kung gaano kalalim at hindi rin marunong lumangoy.

"Jady!" sigaw ni Edward sabay hubad ng damit at tumalon din sa tubig para sagipin si jady. Nilangoy nya ang dalaga at himawakan sa baywang tsaka dinala sa pangpang.

"Baliw kaba? Bakit ka tumalon?" nagaalalang banggit ni Edward

"Gusto ko lang naman malaman kung malalim ee. Tsaka nga diba sabi ko sayo, may tiwala ako sayo at alam ko namang ililigtas moko." - Jady

Nagkatitigan ag dalawa at nagtawanan na parang walang nangyari.

Pumunta ang dalawa sa katiwala ng bahay at nanghiram ng damit para palitan ang mga nabasa nila. Pagkatapos magbihis ay nagpakulo ng tubig si Edward at nagtimpla ng kape at pumwesto sila sa tapat ng fire place sa sala ng bahay.

"Oh eto na yung kapi mo oh. Dahan dahan ah, mainit pa yan." sabi ni Edward tas umupo sa tabi ni jady sa sahig na nakabalot ng makapal na kumot.

"Uyy grabe Dward. Ang saya saya ko ngayong araw nato. Salamat ah. Tsaka sorry kanina, pinagalala kita." -Jady

"Hahaha. Wala yun, gusto kolang talagang pasayahin ka. Kasi pag masaya ka parang napaka saya ko narin ee. Salamat kasi binigyan mo ng kulay yung mundo ko." -Edward

"Sus, eto na naman tayo sa mga linya mong ganyan. Hahaha ang corny mo! Pero hindi, thankyou talaga, thankyou ng marami." -Jady

Biglang tumahimik si Edward, parang may mga salitang nais nyang bitawan. Meron syang gustong ipagtapat pero di nya masabi. Ayaw nyang wakasan ang kasayahang nakikita nya sa mukha ng dalaga. Parang hindi nya kaya, parang dinudurog ang puso nya paunti unti dahil sa mga pangayayaring di nya kayang pigilan.

Tumayo si Edward at tinayo nya si Jady. Pumunig ng kapirasong tela sa damit na suot suot nya at kinuha ang kamay ng dalaga. Tinali nya ang tela sa palasingsingang daliri nito at sabay banggit.

"Mapapangako mo ba na hindi magbabago ang tingin mo sakin kahit gaano katagal ang panahong dumaan?" -Edward

Sabay napatulala si Jady at ngumiti at sinunggaban ng yakap si Edward.

"Oo Dward. Oo. Hinding hindi magbabago ang tingin ko sayo. Walang iwanan at gusto ko ipangako mo sakin na tayo na habang buhay." -Jady

"Oo. Pangako." -Edward

Humigpit ang yakap sa isat isa at lumuha sila parehas.

"Oh ayan ah. Kasal na tayo, kahit sa ganto lang. Pero pag laki natin tototohanin ko na." -Edward

Umuwi na ang dalawa sa kanikanilang bahay nang naka ngiti at bago maghiwalay ng daan ay nagyakapan.

"Bye. Kita ulit tayo bukas ah." -Edward

"Opo. Wag ka maleLate ah. Bye." -Jady

...........

Pagkauwi ay katakot takot na sermon ang inabot ni Edward.

"San ka nanggaling? Alam mo bang kanina pa kami hanap ng hanap sayo? Alalang alala na ang lola mo dito kanina pa. Halos nagkaugaga na kami kasi di man lang namin alam kung saan ka namin hahanapin!" galit na sigaw ni Tita Marie kay Edward

Humaba ang pagpapagalit kay Edward at sa bandang huli ay humingi sya ng patawad at umakyat na sa kwarto nila ni Elly.

"Tol san ba kayo nanggaling? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo. San mo ba dinala si Jady mo?!" tanong ni Elly

"Satin satin lang to ah. Dinala ko sya dun sa lake house ni lolo. Matagal tagal din kami dun, basta napaka saya ko ngayong araw nato." kampanteng sagot ni Edward

"Naku ka talaga Dward! Pag nalaman pa ni lola yan yari ka talaga!" banta ni Elly

Pero kung si Edward na lalaki ay katakot takot na pagalit ang tinamo sa pamilya. Ano pa kaya ang sinapit ni Jady na babae.

Kinabukasan, nagtungo na si Edward sa tagpuan nila ni Jady. Gaya ng pangako nya, hindi sya maleLate. Kaya 2:30 palang ay nandun na sya.

Lumipas ang tatlong oras at walang Jady na dumating. Eto ang unang beses na hindi sumipot ang dalaga. Sa pagaalala, pumunta si Edward sa plaza at nagbakasakaling makita nya ang pinsan ni Jady na si Reb. At nandun nga.

"Reb,reb!" sigaw ni Edward

"Oh bakit tol. Anong atin?" -Reb

"Tatanong kolang sana kung napansin moba si Jady." -Edward

"Ayy hindi mo paba alam tol? Grounded sya ngayon, ayaw syang palabasin ng mama't papa nya. Ewan ko ba dun. Anong oras na daw kasi umuwi kagabi ee." -Reb

Napaisip ng malalim si Edward at sinisisi ang sarili sa sinapit ni Jady. Labis labis ang kalungkutang nadama nya. Dahil kapalit ng kasiyahan nila kahapon, ay eto ang naging resulta.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Was Looking For YouWhere stories live. Discover now