Hiling

8 0 0
                                    

Una kang nasilayan unang araw ng pasukan.
Di masukat. Di malaman kung bakit biglang kinabahan.

Sa bawat galaw mo ako'y naka abang, sa bawat pagngiti mo ako'y nahihibang.
Anong nangyari, anong dahilan ng saya na naramdaman.

Marami kang kaibigan, sakin ay konti lang.
Paano mo ako mapapansin kung pakiramdam ko ako ay kulang.
Bakit ang dati kong mundo ay iyo nang binago.
Sana maging masaya kung san man ito patutungo.

Hiling ko ay mapansin mo na.
Hiling ko ay pagbigyan na.
Maging sa panaginip ko ikaw ay dumayo.
Sana lang paggising ko, ikaw na at ako.

BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon