Lito

3 0 0
                                    

Sa pagdaan ng bawat sandali, 'di maaaring 'di mapangiti.
Mga panaginip, mga pagbabakasakali.

Di ko alam kung paano magkakalapit,
Puso mo ba ay ipagkakait?

Anong laking lungkot nang biglang mawala.
Sa aking pag-iisa, wala namang ala-ala.

Paano makakapagbuo ng mundo nating dalawa.
Ni walang simula, walang dahilan pa.

Ako ba ay lalayo o lalapit talaga?
Maging itong puso, nawawalan ng pag-asa.

Saan ka hahanapin, saan magtatagpo.
Tadhana, tulungan ako, puso ko ay lito.

BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon