Lyka POV
"...Hindi ka pa ba tapos dyan?"
Nilagay ko na yung suklay ko sa bag na daldala ko at tumingin muna sa salamin. Kanina pa ko iritang irita dyan kay Josh katok ng katok sa pinto! Akala mo naman malalate na kami! Excuse me?! Where going to find Alleah for a whole day! Maaga pa kaya -__-
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Hawak hawak ko lang yung bag ko at tinatakpan ko lang yung binti ko -__-
(A/N: Yung damit nya ayun po hehehe)
"1 hour 28 mins. and 18 seconds kitang hinintay." Sabi pa ni Josh habang nakatingin sa relo nya.
"I don't care! Ang sabi ko kasi sa'yo. Alas10 na tayo umalis! Pinagmadali mo pa ko. Hello?! 8:56 palang po!" Galit na sabi ko sa kanya at magsisimula na sanang maglakad pero sya nakaupo pa din sa sofa sa labas ng kwarto ko.
"Josh?! Ano? Dyan ka nalang poreber? Wala nga palang poreber. Game na mauna ka na!" Sigaw ko sa kanya
Ngumiti lang sya at nauna ng bumaba sa hagdan. Malamang nagpahuli akong bumaba habang nakatakip pa din yung bag ko sa hita ko. Arghh.
Paglabas namin. Nakita ko ang Isang pamilyar na Kotse? Wait - - eto ba yung nakita ko kahapon ng hapon? The Black Car?
"Ano? Lyka? Wala ka bang balak pumasok na? Alam kong maganda ang kotse ko. Pero hindi ka pa ba natuwa na pinaghintay mo ko ng Ilang oras? Pumasok ka na" - Josh
Sinamaan ko lang sya ng tingin at padabog na sumakay sa loob ng Kotse nya! The hell. Mas maganda pa din ang kotse ko sayo! :P hindi man lang 'to gumalang! Gentleman grabe di ako pinagbuksan ng pinto! At bakit nga ba nya ko pagbubuksan ng pinto?! Walang poreber kalandian yun -___-
Pagpasok ko sa loob tinakip ko na naman yung bag ko sa hita ko. Pero okay naman pala 'tong kotse nya malambot yung upuan hindi tulad ng iba! Akala mo kahoy ehh -__-
"Tss. Wag ka dyan. Dito ka sa tabi ko" kanina pa pala sya nakatingin sakin.
"Ayoko nga. Bakit ako uupo dyan?" - ako
"Wala akong oras makipagtalo Lyka. Dito ka na. Magmumuka akong driver kung dyan ka uupo" this time mahinahon na syang nagsalita. Aba idamay ba naman ako sa kabeastmode-an nya.
Padabog ko ulit binuksan yung kotse nya at umupo na sa tabi nya. Nakatingin lang sya sakin edi tinakpan ko ulit yung hita ko. Di nya tinitignan hah? Masyado kasing maikli yung short ko. Hindi ako nakapagdala ng damit. Konting damit lang ang meron ako dyan sa bahay namin na yan at yung iba maliit na. Bakit ba kasi hindi muna ko nanguha ng damit sa bahay ehh -___- ang galing ko talaga magisip. Nakakainis tuloy. Di pa naman ako sanay magsuot neto.
"Ano? Pwede na ba tayong umalis? Diyan ka na uupo. Wag na dun" sabi nya
"Ayaw mo nun? Magmumuka kang driver? Maganda yun. Atleast may future ka na agad! Di mo na kelangang magpakahirap pa. Diba? Good news" sabi ko at medyo tumatawa pero may pangiinis sa tono.