Lyka POV
"Bye Dad" at nakipag beso beso na ko kay Dad sabay umalis na din yung sasakyan nya.
Apat na araw, Apat na araw din pala akong nawala sa School na 'to. Masyado na yung matagal kaya kailangan ko ng pumasok ngayon. Medyo nalalate na din ako sa lesson namin neto. Mahirap pa naman maghabol ng lessons. Pati din tao mahirap maghabol.
Hindi pa din namin nahahanap si Alleah hanggang ngayon, Tumatanggi din si Tita Hanna kapag tinatanong namin sa kanya si Alleah. Pakiramdam ko may alam sya sa mga nangyayari kung bakit wala si Alleah dahil muka namang hindi sya masyadong nagaalala. Siguro nga ayaw nya lang na ipaalam sakin ang totoong nangyari.
Habang naglalakad ako sa Hall way hindi pa din maiwasan na pinagtitinginan nila ko. Ano bang problema nila? Sinabing hindi ako ang girlfriend ni Josh! At kung sino man ang dapat? Si Alleah lang yun. Sila yung perfect couple kahit naman walang poreber :) I knew it. Walang ganon. Walang forever na nageexist. Nagpost na din ako sa facebook twitter and ig ko na I'm not Josh's girlfriend.
Papasok na sana ko ng classroom ng may bigla nalang umakbay sakin. Yeah Its Josh sino pa bang epal na sisira ng araw ko? Only him. Pampam sya diba?
"What? Ano na naman ba Josh!" Sabay tinanggal ko ang kamay nya sa pagkaka akbay nya sakin.
"Kamusta?" - Josh
"I'm fine...before you came into my life! At ngayon ulit sisirain mo na naman ang araw ko. Umalis ka na" cold na sabi ko sa kanya
Ayoko ng gulo. At wala din naman akong dapat patunayan na naguguilty ako sa mga nangyayari ngayon. Wala akong paki alam kung magalit sila sakin kung yung iba naayawan na si Josh dahil sakin. Kasalanan naman nya bakit nya kasi sinabi yun?
Nanatili pa din syang nakatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakailang sya tumingin >___<
"Lyka!" Biglang pagsulpot ni Trixie at Ate Rio sa harap ko. Niyakap pa ko ni trixie at si Ate Rio naman nakatingin lang kay Josh.
Nabaling ang paningin ko kay Trixie ng magsalita sya kaya tinignan ko nalang sya imbes na pagmasdan si Ate Rio sa mga tingin nya kay Josh. Hindi ko yun maintindihan pero ahh basta. Di ko maipaliwanag.
"Lyka namiss kita, namin. Antagal mo ding nawala noh? Ano? Kumusta ka naman? Okay ka ba? Bakit umalis ka nung Isang araw hindi ka man lang nagpasabi samin. Nagalala ko para sayo. Baka kung anong nasabi naming masama at umalis ka. Di ka pa man din pumasok nung mga nakaraang araw. Welcome Back na din pala." - Trixie
"Ahh maayos naman ako. Wala kayong dapat ipagalala hindi din ako magagalit sa inyo kaibigan ko kayo diba?" - Ako
"Wala ka pa din bang balita tungkol kay Alleah, Lyka. Kasi hindi na talaga ko maka tulog simula nung nawala sya ehh! Hindi ko din alam kung saan saan ko na sya hahanapin pa. Lyka please! Tulungan mo naman ako. Sabihin mo sakin lahat ng nalalaman mo" sabay inalog alog ako ni Josh
"Ano ba! Sinabing wala akong alam diba? Bakit ba ang kulit kulit mo masyado!" - sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa braso ko. Makaalog naman sya kala nya close kaming dalawa. Wow talaga.
"Pwede mo naman kasing sabihing wala hindi yang sasabihin mo pang makuli- - "
"TAMANA!!!" biglang sigaw ni Ate Rio
Kaya napalingon kaming dalawa ni Josh sa kanya maging si Trix at natigilan sa pagtingin tingin samin ni Josh at tumingin din kay Ate Rio na sumigaw.
"Sa tingin nyo ba nakaka tulong yang pag aaway nyong dalawa. Josh baka naman hindi alam ni Lyka kung Nasaan talaga si alleah! Kaya wag mo ng ipilit pwede?! Wala ka bang tiwala sa kanya! Josh naman!!" - Rio