Ganti Ng Kalikasan

338 2 0
                                    

Likas na ganda ng paligid ay nasaan na?

Biyayang likha ng Maykapal

Ating napabayaan

Asan na ang ganda nito?

Ilog ngayon lubog at di na kanais-nais

Pagka't basura'y kaliwa't kanan

Daloy nito'y naaantala sa pag-agos

Dulot nito'y malawakang baha

Punong kahoy sa kagubata'y nauubos na

Dahil sa patuloy na pagtotrosong illegal

Sa bawat punong pinuputol ay nagdudulot ng dobleng kapahamakan

Baha at landslide sa mundo'y pipinsala

Bakit tayong mga anak ng Diyos ay mapagsamantala

Bakit di na lamang ingatan ang yamang sa ati'y ipinagkaloob

Pagkasira ng kalikasa'y wala ng pigil

Galit ng mundo paparating na

Malaking pinsalang ating idinulot matinding paghahanda'y simulan na sa ganti ng kalikasan

Tula Kong PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon