"Ano ba!! Magpatulog ka naman!!!" Sigaw ko, habang nagriring ung door bell ng apartment ko.Tong Jimin na pandak kasi na to. Ayaw akong tantanan.
Pangalawang araw na nyang pangungulit to, hindi ako nagpasindak sa threat nyang irereport nya sa pulis ung mga text ko.
Alam kong pagtatawanan lang sya ng mga pulis sa kababawan nya.
"Buksan mo kasi ung pinto!" Sagot nya mula sa labas.
"Bwiset!" sabi ko bago ko buksan ang pinto. "Alas dies na ng gabi, parang awa mo na! Tantanan mo ko, ayoko magpanggap na girlfriend mo" sabi ko sa kanya habang papunta sa sofa at umupo.
Sumunod naman sya sa loob.
"Dali na!! Hanggang tantanan nya lang ako"
"ano naman mapapala ko?"
"Hmmm pag pumayag ka, hindi ka makakasuhan ng verbal harassment" napatawa naman ako.
"Sa tingin mo ba uunahin ng mga pulis yang kaso mo kesa sa mga mas malalang krimen na narereport sa kanila araw araw?" Sabi ko.
"ahh hindi naman sa mga pulis ako magsasabi e, nabanggit ko na bang lawyer ang tatay ko?" Sabay smirk
Nanlaki naman mata ko. "A-ano?"
"Lawyer nga pala tatay ko. Ibig sabihin, lagot ka pag nalaman nya ginawa mo" sagot nya.
Tumayo na ako sa sofa.
Nagbuntong hininga muna bago nagsalita. "Oo na, ok? papayag na ako sa trip mo. Kaya lumayas ka na dito."Ano pa nga bang magagawa ko
"Ok see you tomorrow babe" sabi nya bago isara ang pinto ng apartment ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/43266404-288-k353320.jpg)
BINABASA MO ANG
T*ng*na mo, Park Jimin!!!
HumorTo: park jimin "Tangina mo, Park Jimin!!!!!!.." Message sent! - - - Ayun, nakilala ko ang isang taong kakaiba. Bakit ba kasi napaka maloko ko? diba? Yan tuloy; nagbago ang takbo ng buhay ko. Tong taong minura ko, mahal ko na.