Habang nakatingin sa kawalan
Naisip ko ang ating nakaraan
Ala-ala nating hindi malimutan
Bakit ba ito ang naging hantunganNais ko mang sumigaw sa galit
Ang tinig ko't tila impit
Kaibigan ko ang pait
Kaulayaw ko ang sakitPilit ko pa ring pinaniniwalaan
Pag-ibig nati'y walang hangganan
Masasabi mo bang ako'y wala sa katinuan
Kung kaligayahan ko ang masaktan