"Venice, magoovertime ka na naman? Ilang araw mo na ba iyang ginagawa ah?"
"Chef naman, di mo ba gusto makita ang maganda kung mukha?" biro ko kay Chef Mandy. Ito na siguro ang pang-limang tanong ni Chef Mandy sakin. Isa siyang international chef at napakaganda niya. Meron na siyang asawa at may anak na rin. Matagal na siya dito. Mga 1 taon na siguro at ako ay 7 months pa lang.
Kailangan ehh. Dapat gawin ito dahil bukas ang sweldo ko at bukas din ang pinangako ko na araw para sa pagbayad nang renta nang aking inu-upahan na palaging sinisingil ni Aling Cynthia. Lagpas na kasi ako nang ilang araw.
Matagal na ako dito at MWF at Sunday ako dito. May pasok kasi ako sa ibang mga araw at graduating na ako sa kursong Civil Engineering. Meron namang pinapadala ang mga magulang ko pero sapat lang ang mga iyon sa tuiton at pagkain ko.
"Bukas nga pala, dadating ang bagong manager nitong La Magica. Kung pwedi lang sana makapag-overtime ka Ven, kulang kasi kami bukas."
Napahinto ako sa pagpupunas nang mesa dahil sa sinabi ni Chef Mandy. May bagong Manager? Ni minsan nga ay di ko nakita ang manager tapos ngayon ay papalitan?
"Naku Chef, may review ako bukas. Gustohin ko man po ay hindi pwedi dahil papalapit na ang board exam namin. Pasensya na po." sabi ko kay Chef habang tinutulongan siyang tupiin ang mga table napkin. Until 10 pm lang ang restaurant at naglilinis nalang kami para konti nalang ang lilinisin bukas ng umaga.
"Okay lang. Na-iintindihan kita. Yung iba nalang ang sasabihan ko."
"Pero Chef, di ba mas nakakabuti na makita nang bagong boss na kulang tayo. Para naman po malaman niya kung ano ang takbo nang La Magica."
Sikat ang La Magica sa buong bansa. May maraming branch ito. Ito ang pina-recent na pinatayo sa Luzon at dito ako nagtratrabaho. Mahigit isang taon na rin ito. Ang iba naman ay nasa Visayas at Mindanao.
"Oo nga pero.."
"Pero ano po?"
"Gusto ba natin bigyan nang problema ang bagong manager sa unang araw niya? Mukhang bad vibes yan ehh. Hahaha."
Napa-isip naman ako. Tama nga si Chef Mandy. Dapat good vibes si Sir/Maam para good vibes din kami. HAHA
"Sana lang hindi halimaw ang bagong boss natin." biro ko naman. "Pero Chef, kung ma-aga akung matatapos sa review namin bukas, didiretso na po ako dito."
"Naku Ven! Di mo na kailangan gawin yan. Focus ka muna sa review mo."
"Ok lang po Chef. Mukhang Basics na naman ang babasahin at e-rereview namin dahil maraming bagsak noong nakaraan meeting namin."
"Kung yan ang gusto mo Ven. Maraming salamat talaga!". Isang matamis at malaking ngiti ang binigay ni Chef sakin. Sus! Baka matibo ako dyan Chef ah! HAHAHA
KINABUKASAN
"Sir, tapos na po ako. Pwedi na po ba akong umalis? May trabaho pa po kasi ako." nakakunot ang noo ni Sir Alvarez. Sana naman ay payagan niya ako. 4 PM na at pupunta pa ako sa mall para mag withdraw nang pera. At bibyahe pa ako patungo sa inuupahan ko para bayaran si Aling Cynthia. Ayaw ko pa naman ma-ipit sa rush hour.
"Miss Mintosa, hindi porket tama ang lahat nang sagot mo noong last meeting ay papa-alisin na kita nang maaga. Upo ka doon at magreview ka pa. Sakto ang bayad mo sa amin at hindi ko gusto na hindi sakto ang binibigay naming serbisyo o oras sa inyo." satsat ni Sir. Bagay nga sa kanya ang kalbo. Hmp!
~
LA MAGICA
3rd POV
"DAMN! WHY THERE ARE NO COSTUMERS IN HERE?!" Trey
"FUCK! WHERE ARE THE WAITERS AND WAITRESS?!" Trevor
"SHIT! SHIT! SHIT! I'LL BREAK TRIXIES' NECK!" Travis
AN~
Please do read until the last update. HAHAHA ;)

BINABASA MO ANG
La Magica
General FictionYung mga pabebe jan, halina't basahin ang buhay ni Venice para naman matuto din tayo sa mga GALAWAN nya. #GALAWAN101 #GalawangMagica