The next few days, medyo busy. Si Jeck laging nasa office. boy friend Jeck? Future CEO kasi ng Gomez Business & Industries.
Si best friend Zam? Busy din. Always nasa work. Future COO kasi ng Valleria Company nila eh. Sila nang mayayaman.
Ako hmm, for now, tambay. Mayaman naman future husband ko eh so ok lang kahit tambay. haha. Nag-aasikaso ako ng visa and papers papuntang Canada. Yep! ASAP na. Sinabihan kasi ako ni tito na need nya ng new COO eh. Wala kasing anak si tito. Single siya at wala siyang tagapagmana. Brother sya ni papa. Ibinilin ako ni Papa sa tito ko before he died 10 years ago due to heart attack.
Ngayong hapon, dahil di naman gaanong busy, napadalaw ako sa company nila Jeck.
Ang totoo, na-meet ko na parents ni Jeck pero di ata ako gusto at ramdam ko naman yun eh. Hindi naman nila ako ka-level. Nag-aral si Jeck sa isa sa Top University samantalang ako, graduate sa community college. Ganunpaman, di padin kami sumusuko ni Jeck.
Always akong dumadalaw sa office ni Jeck pero laging wala... kinokontak ko naman yung phone niya kaso cannot be reached... tsk....
"Sorry, Ms. Ria. Sir Jericho is out of town for 1 week due to business matters. Nagsabi po ba kayo na pupunta kayo?"-Secretary ni Jeck. May pagka-mataray ito.
"Thanks. I'll call him nalang."
Umalis na ko dahil naiimbyerna ako sa muka ng secretary niya. 1 week? What the heck! tomorrow na ang flight ko at Anniversary namin ngayon!
Hindi ko ma-contact si Jeck kahit anong gawin ko. Nakakainis!
Di naman ako pwedeng umatras sa pagpuntang Canada. This is my dream. Ginastusan na ako ni Uncle at ayoko namang sirain yung tiwala niya.
It was the worst day ever! 5th year Anniversary namin pero wala siya.
Nakahiga lang ako sa kama habang tahimik na umiiyak. Natapos ko na kasing ayusin yung mga gamit ko papuntang Canada pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
1 message received.
From: Jeck
"Rian, sorry ha. Medyo busy kasi ako. I'll call you later. Ingat ka lagi. I love you always."
Wait, nakalimutan niyang Anniversary namin! Saka, I love you always? ano yun? Bakit parang kinabahan ako.
TO: Jeck
"Ok lang. I understand. Happy 5th Anniversary and I love you. Bukas na luwas ko papuntang Canada and sorry kung hindi na ako makakapag-paalam ng personal. Ingat ka lagi. Mamimiss kita."
Nag-antay ako ng reply pero wala. Tinry kong tawagan, out of coverage area! Nasan bang parte ng mundo sya?! Nakakainis naman.
Dumating na yung araw ng pag-alis ko at ang bigat sa pakiramdam lalo na at hindi ko na nakausap si Jeck.
"So, anak, sure ka, hindi pupunta si Jeck? Kanina ka pa balisa ah."
"Yes Ma. Busy po siya at ayoko namang istorbohin. Pakibigay nalang ito kay Jeck." Nag-iwan ako ng letter kay Mama.
"Ah, sige. ingat ka dun anak ah. Tawag ka lagi."
"Opo..love you ma."
"I love you more. Sige na."
Sumakay na ko ng airplane. Di ko mapigilang mapaluha habang umaangat kami sa lupa.
Jeck, I'm Sorry. Please, intindihin mo sana ako. Pinahid ko ang luha ko saka inalala yung letter.
JECK,
Bhe, siguro sa mga oras na ito, nasa Canada na ako. Matutupad na ang wish ko. Sorry kung di ako nakapag-paalam personally ha? Di kasi kita makontak at lagi lang out of reach. Mag-iingat ka lagi ah. I'll be back.... I love you.... After 3 years, Jeck... I'll marry you.... I love you ulit.... Mamimiss kita.... Muah.... Kahit masakit.....kelangan kong iwan ka.... pero, sana intayin mo ang pagbabalik ko.
LOVE: RIA
