Conscience

0 1 0
                                    

Napatingin lahat ng pasahero sa akin nang tuluyan ng matumba si DG.

"Honey?"
"Tinawag siya ng babae na honey"
"Hindi man lang ba niya tutulungan yung  girlfriend niya?"

Argh! Tumingin ako sa kanilang lahat. "Hehehe, I'm not."

Siniksik ko nalang yung sarili ko sa kitatayuan ko at tumalikod kay DG. Maniwala naman sana lahat ng tao sa sinabi ko oh. E, dapat lang kasi totoo naman e. At isa pa bakit niya akong tinawag na honey? baka naman tong katabi ko? E wala naman akong katabi. Ugh.

"Ano pang ginagawa mo diyan lalake ka!"

Hala yung matandang nasukaan, sumisigaw.

"Aniyo! Hindi nga ako."Pagtatanggol ko parin sa sarili ko.

"You handle this! Ikaw yung... yung! basta! Dali na!"

Bakit ba kasi napakademanding ng mga matatanda? Pakialam ko diyan, e di ko nga kakilala e.

Naiinis na ako. "Ilang beses ko pa bang sasabihin? Hindi nga ako! I'm not" Mga matatanda nga naman maypagkabingi. Sinabi na ngang hindi ako. Hayst!

"Think I'm stupid? Halika dito!" Galit na galit na yung matanda. Ang kulit mo kasi e.

Tinignan ko si DG na walang malay sa sahig ng tren. Bumuntong hininga ako at lumapit sa matandang kanina pa nagsusumigaw. Kung nakatiis sana siyang tumayo edi hindi sana siya nasukaan. Labo niya rin e no?

Nang makalapit ako sa matanda, nanginginig na siya na hawak hawak parin yung wig niya. Wala na rin tao sa tabi niya. Hahaha. Kawawa.

"Anong tinatawa tawa mo diyan!? Bakit hindi mo siya tinulungan? Dali na and do something!"

Umuusok ma yung ilong niya. Natakot naman ako sa kanya. Dali dali kong inalis yung coat ko tsaka pinunasan yung matanda. Winagwag ko yung wig niya tsaka binalik sa ulo niya.

"Arggh! Anong ginagawa mo!"

Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng sumigaw ulit siya. Bakit ba hanggang ngayon galit parin siya? Tinulungan ko na nga.

"Sorry tanda. Let me help with cleaning expenses"

Naglabas ako ng pera sa bulsa ko pero isang malakas na batok ang natamo ko. Aray.

"Kalimutan mo na yun. Just take care of her."

Lumapit ako dun kay DG. Haist!

Kinarga ko si DG saka lumabas ng tren. Saan ko to dadalhin? Pinagtitinginan na kami ng tao.

Naglakad ako hindi ko alam kumg saan tutungo. Nang makakita ako ng bench sa may tabi, hindi na ako nagdalawang isip at iniwan ko na si DG doon. Wala naman siyang maaalala pagkagising niya e. Lasing na lasing e.

Binilisan ko ang paglakad ko palayo para makatakas sa kung ano man ang tatakasan.

*Boogsh*

Napalingon ako sa gawi ni DG. Anak ng! Nahulog pa sa sahig ang Argh! Tumalikod lang ako at maglalakad na sana pero nag-echo yung boaes ng matanda sa loob ng tren sa akin.

"Take care of her!"
Take care of her!"
Take care of her!"

Haist! Bumalik ako kay DG saka tinapon sa kanya yung bag niyang dinala ko kanina. Nasa akin pala.

Tumakbo na ako palabas ng Terminal. Sa wakas!

Take care of her!"
Take care of her!"
Take care of her!"

"Aaaaaaaaaaahhh!" Napasigaw nalang ako sa labas ng terminal. Walanghiyang konsensiya!

Hindi ko alam ang sunod na ginawa ko pero ang alam ko karga ko na ulit si DG, patungo saan? Yan ang hindi ko alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever or Forover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon