Part 1 : beginning

17 0 0
                                    

Black and Yellow , written by : GirlAtPlace (GAP)

(First year high school )

First day ko sa school nun. Freshmen palang kami nun. Nakasabay ko siya sa enrollment at nag expect ako na sana classmate ko siya. Siya yung first crush ko nun. Sabi ko sa sarili ko na okay lang siguro kapag crush ko siya , dahil baka balang araw , alam kong mawawala din tong “crush” na nararamdaman ko sakanya. Section 1 ako at Section 10 siya.

Last section yung section nila. Akala ko matu-turn off ako sakanya dahil malamang , last section siya so ibig sabihin nun , hindi siya gaanong matalino. Pero mali ako.

(Second year high school)

Ewan ko ba pero aaminin ko na gusto ko parin siya. Sinusulyapan ko na siya sa classroom nila. Hinahanap kung nasan na nanduduon ang section nila.

Kahit account niya sa Facebook pinaghirapan kong hanapin para I-add lang siya eh, at sa tulong ng classmate ko na may kaibigan sa section 10, naibigay naman niya ang email-add niya. Dun ko na nalaman na Black Sargon pala ang pangalan niya. Lagi kong tinitignan ang mga pictures niya sa FB.

Although ,tatlo lang ang pictures niya dun. Syempre , bilang secret admirer niya, hindi nakatakas ang pangalan ko sa isa sa mga nag Like ng pictures nya.

(Third year high school)

Juniors na kami nun. As usual siya parin  ang ULTIMATE crush ko. Siya yung nagsisilbing inspirasyon ko sa tuwing gumigising ako sa umaga.

Araw-araw kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa o ngumingiti pero kadalasan, seryoso talaga ang ekpresyon ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit sa dinamidaming lalaki at gwapong nilalang sa school namin ,namumukod tanging “CRUSH” ko siya.

Inlove na nga siguro ako eh. kada may nakikita akong babaeng kasama niya, biglang nag iiba ang feeling ko. Parang ang sakit pakinggan. Sa may bandang dibdib pa kung saan nandun yung puso ko.

Gusto ko siyang lapitan pero napapangunahan ako ng hiya. Naisip ko na mas okay na din siguro kung susulyapan ko nalang siya sa malayo. In that way , mas safe ako sa mga reactions niya.

 (Fourth year high school)

Seniors.  Graduating na kami. Masyadong nakakalungkot isipin na hindi ko na siya makikita. Ang bilis ng panahon. Dahil ga-graduate na kami at wala ng BLACK SARGON ang mag papasaya kay YELLOW MENDEZ. Sinabi ko nga sa sarili ko na bago palang kami ga-graduate , gusto ko sanang sabihin ang nararamdaman ko sakanya pero mukhang Malabo ng mangyari yun dahil balita ko may girlfriend na daw siya. Mukha  na nga akong baliw kakatanong sa mga classmate ko kung may number ba sila kay Black pero ang lagi nilang sagot sakin..

“ wala Yellow eh, bakit ? “

Alangan naman na sabihin ko na may gusto ako sakanya diba ? ni isa wala akong sinabihan na may gusto ako kay Black. Kahit bestfriend ko nga wala siyang kaalam-alam eh  Simula kasi nung nanalo ang team nila sa football, naging sikat na sila sa campus , LALO NA SIYA. Katulad ko , marami na ding  nagkakagusto sakanya. Naiinis na nga ako dahil mabuti pa sila na papansin niya , eh samantalang ako na simula first year palang nagkagusto sakanya, ni ngiti man lang sakin , wala talaga.

“ Yellow, excited na akong gumraduate “

sabi ni Jasmine sakin. Bestfriend ko. Sabay yugyug pa ng balikat ko. Oo nga , malapit na graduation namin. Tatlong tulog nalang at hindi ko na siya makikita.

“ hoy ! “

Walang gana akong tumingin kay Jasmine.

“ bat ganyan yang mukha mo ? may problema ka ba ? “

Tanong nya sakin .

“ sana wala ng graduation “

Paglulumo ko. Talagang bang matutuloy na ang graduation ? ang tanga ko lang kung bakit ko ba nasabi yan.  haist , sana naman, pareho kami ng university na papasukan ni Black. Sana makita ko parin siya.

“ huh ? eh bakit  naman ? oh no , wag mong sabihing buntis ka ? tas  hindi ka makaka graduate ??? tipaklong naman  yan Yellow eh , sana pinag-isipan mo muna ku--     “

“ over ka ! hindi  ako buntis noh ! nalulungkot lang kasi ako kasi hindi ko na siya makikita “

“ makikita ? sino ? .. teka ! may crush ka na noh ??  sino yan ? ba’t di mo sinabi sakin ?????? “

Tapos niyugyug nanaman ni Jasmine yung dalawang balikat ko. Nadulas pa ang dila ko. Tumingin ako sa paligid ng bench na kinauupuan namin ni Jasmine. At kapag siniswerte ka nga naman ,  nakita ko si Black na naglalakad. Napako ang mga mata ko sakanya at nagsimula nanaman yung feeling na inlove ka. Yung biglang bibilis ang tibok ng puso mo na daig pa ang kabayo sa pag takbo. Hindi ko alam pero naka feel ulit ako ng kilig.

“ AHA ! “

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Jasmine ang mukha ko papalapit sa mukha niya.

“ si Black noh ?? grabeh , kung makatingin wagas ! muntikan ng matunaw si Black sa mga titig mo girl. So siya nga noh ? noh ? noh ? sabihin mo na kasi ! “

Tinanggal ko ang mga kamay ni Jasmine sa mukha ko. Ang sakit nga ng pisngi ko eh. umiwas ako ng tingin sakanya.

“ h-hindi n-no ! asa siya ! pano naman ako magkakagusto dun ? hindi nga niya ako kilala eh ! “

“ pero kilala mo siya , diba ? ewwww! Denial queen pa. ba’t di mo man lang sinabi sakin ? matutulungan pa sana kitang makilala ka nya. Pero gusto mo nga siya diba ??? “

Matutulungan ?? posible .pero na sayang na ang mga pagkakatong yun , makilala ?? sana . haist.

Black and Yellow (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon