Part 2 : to the END

24 1 2
                                    

Sana pala, nung una , sinabi ko na kay Jasmine na may gusto ako sakanya. Edi sana ngayon , magkakilala na kami , edi sana ngayon , nahahawakan ko na siya, edi sana ngayon , madali nalang sabihin na gusto ko siya. pero huli na ang lahat. Three days  before the graduation, and all I have to do is to accept the fact , the fact that my feeling will forever be silent to him.

(Graduation day )

Ito na ang pinakamasayang araw para sa mga ibang studyante at magulang dahil sa wakas , ay matatanggap na namin ang mga diploma namin.

Kahit anong gawin kong ngiti, o tawa , palagi parin siyang sumasagi sa isip ko. Nalulungkot lang ako na hindi ko na siya makikita. Inlove na ba talaga ako sakanya ?? ba’t ganun ? ba’t ganito nalang ako makapag react sa mga nagyayari. Hindi ko alam pero bakit parang ang lungkot isipin na maghihiwalay na kami ng landas after this ceremony ? 

Nagsimula na ang graduation ceremony . sa may entrance ko lang siya nakita kanina. Nung nakita ko siya, hindi ako makangiti dahil palagi kong naiisip na mawawala na din siya sa paningin ko balang araw pagkatapos nito , na hindi man lang niya nalaman kung gaano ko siya kagusto o siguro dapat MAHAL ang tamang salita para dun . Siguro ,tuluyan na akong nahulog sa mga ngiti niya. Siguro tuluyan na akong napamahal sa taong kahit kelan hindi ko nakausap o nahalubilo pero sobrang mahal ko.

“ Ms. Mendez “

Napatingin ako sa teacher namin na si Mrs. Lim. Lumapit ako sa kanya nung nag sign siyang lumapit ako.

“ yes ma’am ? “

“ can I ask you a favor ? “

“ ano po yun ? “

“ uhmm , i want you to get the violet folder on my table. Importante lang. nakuha mo na nman ang diploma mo diba ? okay lang ba ? “

“ opo ma’am. Last day nalang din naman to na makakahingi kayo ng favor sakin eh “

Ngumiti lang siya sakin at ganun din ako sakanya. Binigay ko na din kay mama yung diploma ko. Lumabas na ako ng theater complex kung saan naganap ang graduation namin.

Nung nakapasok na ako sa building namin , marami akong naalala. football field ,kumakain siya sa green field ng school, natutulog sa loob ng classroom nila, yung locker niya at yung classroom kung saan ko siya unang nakita at nakasabay ko siya sa enrolment. Very precious memories I don’t want to forget.

Napahinto ako sa harap ng classroom kung saan naganap ang enrolment namin.

“ dito kita unang nakita “

Napatingin ako sa may blackboard ng classroom ng may narinig akong nagsalita. Hindi ko pa alam kung sino pero biglang kumabog ng mabilis ang puso ko.

“ ang cute mo pa nun. Natatakot nga akong kausapin ka kasi nakatingin ka sakin na para bang galit ka “

Hindi ko alam kung pano pa nag function ang mga kamay ko, basta ang sunod ko nalang nalaman is hawak ko na ang door knob ng pinto. Habang papalapit ako sa kinarorounan ng boses , mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

“ haha  , nakakatuwa naman , crush na kita nun ah ! hanggang sa mag second , third at fourth year tayo ! ikaw lang talaga ang naiiba sa lahat ng babaeng nakilala ko. Your such a pretty little thing “

“ alam mo ba Ms. Yellow Mendez , sa tuwing nakikita kita , palagi akong nahihiyang tignan ka. Pano ba naman kasi , nauunahan mo akong tumingin. Nagdududa na nga ako kung may gusto ka din bas akin eh, haha “

Then , I open door and saw him there. Nakaupo siya sa may bandang unahan ng classroom. Nakatalikod mula sakin. May hawak siyang kung ano. nakaramdam ako ng labis na tuwa nung binigkas niya ang pangalan ko. I  did really felt a great happiness when I heard him say my name.

Black and Yellow (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon