KATH'S POV
Hay nako. 2 weeks nalang at pasukan nanaman. Nga pala, 4th year na ako sa pasukan. Working student ako. Nagtatrabaho ako sa school as tagaphoto-copy. Pad-dismissal, dederetso na ako dun sa trabaho ko. Half-tuition lang pala ang binabayaran ko kasi kasali ako sa "Honors Class." simula 1st year hanggang sa kasalukuyan. BTW, sa Berdilla University ako nag-aaral. Halos lahaaaat ng mga students dun mga mayayaman, mga sosya, mga peymus. Ako lang ata ang hindi eh. Mahirap lang kasi kami.
Hay nakooooo. Ang boriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing naman dito sa bahay. -_- Medyo malapit na yung pasukan kaso tinatamad pa akong bumili ng school supplies.
Makapunta nga dun sa favorite place ko. I mean, favorite place namin. Yung napakalaking puno na buhay na simula pa nung bata palang kami. Ang ganda kasi talaga nung punong yun. (a/n: yung puno, nasa right side. ~~>)
"Ma! Alis lang ako."
"Sige anak, mag-ingat ka."
"Sige po."
~FAST FORWARD~
Malapit na ako dun sa puno. Konting hakbang nalang at nandun na ako. Pero, parang may tao?! At lalaki?! Naku Kath! Huwag mag-expect na siya yun!! Huwag mag-expect! Baka masaktan ka!
Naku!
Nagdirediretcho ako papunta sa kanya.
"Uhm. E-excuse me."
"Yes?" Bigla siyang lumingon. Gosh! Pogi!!! Teka, familiar face nanaman. Siya na kaya 'to? Hmmmm..
"Bakit ka nandito?"
"Bakit? Sa'yo ba 'to?" Grabe ah? Sungit. Hindi siya 'to. Pero may point siya. Akin nga ba ito?
"Ah. Hehe. Hindi naman."
"So? Wala kang karapatang tanungin ako kung bakit ako nandito." Oo nga. Hindi talaga siya 'to. Nagkakamali ka ng iniisip Kath. Hindi nga siya yan, okay? Mabait yun. Hindi kagaya niyang suplado at masungit. Kaya hindi siya yan, okay? Ha?
"Ay oo nga naman.hehe."
"K." Bakla ba 'to? Ba't para siyang bading?
"Ahm. Pwede bang sabihin mo sa'kin kung bakit ka nandito?"
"Bakit ang kulit mo? Anong mapapala ko kung sasabihin ko sa'yo?"
"Ah eh. Wala."
"Hay naku. Yun naman pala eh." Nagbuntong hininga muna siya. "Sige na nga. Familiar sa'kin 'tong place na'to. Parang importante siya sa'kin. Basta dito ako dinala ng mga paa ko."
"Ahh. Okay." Pagtapos ko sa usapin namin. Hindi siya yan. Hindi nga ba?!
"Ahm. Ano nga pala ang pangal..........."
"BABE!!! I've been looking for you kanina pa. Here ka lang pala. Namiss tuloy kita." Nakakagulat naman itong babaeng ito. Maka tawag ng babe, wagas. Conyo. Pero infairness ha? Maganda siya. Girlfriend niya siguro? Baka.
"Babe! Di ba sabi ko, dun ka lang maghintay sa kotse. Saglit lang naman akong nawala eh. Tara na nga. Namiss rin naman kita eh." Magsyota nga sila. Ang-o-OA. Miss agad? Eh kaunting minuto lang naman pala ang nakakalipas. Ha.
Pagkatapos nun. Umalis na sila. Mga ilang minuto lang bago sila umalis, eh, umalis na rin ako.
Maggagabi na rin eh.
Nakakapagod maglakad noh? HAHA. Medyo malayo kasi yung punong yung sa bahay namin. Eh mabilis pa naman akong mapagod. Payatot ko pa. Ay! Tsk.
Dirediretcho akong pumunta ng kwarto. Kinuha ko yung cellphone ko at may nakita akong text message.
From: Espren Jayson :)
Uy Kath! Pumunta ako diyan sa bahay niyo kanina. Sabi ng mama mo, wala ka daw. May sasabihin sana ako sa'yo eh. Importante lang naman.
Eh?! Importante? Ano naman kaya yun?
To: Espren Jayson :)
Eh? Ano ba yung importante mong sasabihin? Ano ba yun?
JAYSON'S POV
Tinext ko si Kath. Importante kasi 'tong sasabihin ko siya kanya eh. As in Nung pumunta kasi ako sa bahay nila, wala daw siya. Alam niyo kung tungkol saan? Sa PAG-IBIG lang naman. Hay nako naman oh. Kilala niyo ba kung sino siya?
Edi sino pa ba?
Edi si Espren Kath!!! Ba't sa kanya pa? Ba't sa best friend ko pa? Huwag nyong sasabihin ha? Quiet lang kayo kids! :) Shhh.
Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng reply galing kay Love,ah este, Kath.
From: Espren Kath :)
Eh? Ano ba yung importante mong sasabihin?
Ano ba yan. Ayan na. Kinakabahan na ako. Di ko alam ang irereply ko. Tsk.
To: Espren Kath :)
Ah wala, wala, di na. Assignment lang naman to eh. Nakuha ko na. Sige salamat nalang. :)
Nakow! Torpe. Pinangunahan nanaman akong ng katorpe-han ko.
From: Espren Kath :)
Ah okay sige. Text mo nalang ako pag may kailangan ka ah? :)
To: Espren Kath :)
Okay. Sige. Tulog ka na. :) Good night. Sweet dreams. :)
From: Espren Kath
Geh. Good night. Tulog ka na din. Sweet dreams. :)
Hay sige na nga. Tulog na ako.
KATH'S POV
Assignment lang naman pala eh. Akala ko kung ano nang importante. :))) Makatulog na nga. :)
Teka nga lang. Yung kinukuwento ko sainyo. Si "Siya". Yung kababata ko. Kilala niyo ba si "Siya?" O sige pakilala ko muna "SIYA."
.
.
SIYA na minahal ko mula pagkabata hanggang ngayon.
Kalaro ko rin SIYA nung mga bata pa kami.
SIYA yung nagpapaligaya sa'kin.
SIYA yung nagtatanggol sa'kin
SIYA na nagpakita kung ano ang mundo, kung gaano kasaya at kasarap mabuhay.
SIYA na laging nandiyan para sa'kin.
At SIYA ay ang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NIEL PADILLA ko♥.
NA MAHAL NA MAHAL KO NG LUBOS♥
Makikita ko pa kaya SIYA?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Hello guys! Sorry for the wrong typos. Pagpasensyahan. Pagtyagaan. Wala akong maisip. Kaya ang pangit nanaman ng aking story. -_- Yung lang. Salamat. :)
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect Love [KathNiel]
Ficção AdolescenteKapag nakita mo yung lihim mong minamahal na kababata na matagal mo nang hinahanap, anong gagawin mo? Lalo na't sikat na siya at siyempre, marami nang fans? Pero sa di inaasahang, eh, nakalimutan ka na niya sa di mo malaman na dahilan?