What If

12.1K 255 16
                                    

Another AlyDen story. Malapit ko na din simulan, kailangan ko lang talagang tapusin muna yung MLG para hindi naman nakakalito.

Hmm, basta hindi sya volleyball-related na story. At hindi rin sya parang true-to-life. In short, ibang-iba sya sa RKOW. Pero sana suportahan nyo pa rin. Matagal ko nang naisip yung plot ng story na 'to at may name na dapat yung characters ko dito. Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Dennise, sila ulit ni Alyssa yung ginawa kong bida, hihi.

Sana di kayo magsawang sumuporta ha! And habang hindi ko pa 'to nasisimulan, pwede nyo munang basahin yung ibang stories ko. Tingnan nyo na lang sa profile ko. Okay, yun lang.

Salamat pala kay @MsPinkbob para sa cover nitong story. Mwah.

O sya eto muna yung patikim:

===============================

"Ly, hindi ka ba napapagod?" malungkot na tanong ko sa kanya habang nakatanaw kami sa babaeng mahal nya na nakikipagharutan sa manliligaw nito.

Malungkot na umiling lang sya sa akin.

"Mahal ko sya eh." mahinang sabi pa nya bago tuluyang lumakad palayo sa akin.

"Ako kasi Ly, pagod na pagod na. Pero gaya mo, hindi pa kita kayang isuko. Aasa pa rin ako na mamahalin mo rin ako ng higit sa pagmamahal mo kay Laura." mahinang bulong ko habang nakatingin lang sa papalayong si Alyssa.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon