Chapter 1

19 1 1
                                        


Hello! my name is Miralyn Pendrez. I am an incoming senior student in highschool. Bakasyon na ngayon, sana sa pasukan sa Holy Immaculate Academy pa rin ako, well, sayang din kung di ako dun mag-4rth year highschool kasi since grade 1 dun na ako nagaral.









Private school ang HIA and catholic school katabi nun ay isang simbahan. Pero kahit private yun hindi lahat ng nagaaral dun ay mayayaman, sadyang may kaya lang sa buhay.



- - - - - - -




"nak gising na, hindi porket bakasyon e nakahilata ka na lang magdamag." si mama naman, kaya nga bakasyon para magpahinga e. KJ talaga.








"e mama naman, maaga pa, mamaya na lang." 7am pa lang kaya, date nga kapag walang pasok e lage akong 9am nagigising pero di siya nagrereklamo, ngayong bakasyon naman ganyan siya. -_-








"nak naman, tulungan mo ko dito maglaba. yung mga kuya mo kasi pumasok na sa mga trabaho nila."








ano pa nga bang magagawa ko, only girl kasi ako sa aming limang magkakapatid at take note, ako din ang bunso, pero may bakla naman akong kapatid edi hindi boring ang buhay ko kahit ako lang babae sa kanila pero minsan lalake ako kung kumilos at manang sa porma, pano ba naman kasi walang nagtuturo sakin mag-ayos.







Bumangon na ako at ginawa ang mga dapat gawin sa umaga. Nakita ko si mama na kinakargahan ng tubig ang washing machine.







"mama, sa tingin mo ba uuwi pa si papa dito sa bahay?" bigla ko na lang naisip yun. ewan ko ba, parang gusto ko siya makita na parang ayaw ko din.









"siguro anak, pero kung ayaw na niya umuwi edi ayaw niya na. Baka masaya na siya dun sa mga babae niya." hay nako! kahit matagal ng wala dito si papa yun pa rin iniisip ni mama, ang nambabae si papa sa probinsya.









"alam mo mama, namimiss ko yung dati kapag susunduin natin si papa galing airport tapos pupunta tayo sa duty free bibilhin ni papa lahat ng gusto naten."









"ayaw niya na daw sumakay ng barko e, hayaan mo na. Ngayon nga may sakit daw siya, nag-iinarte nanaman, pagod na daw siya sa kakasakay ng barko. Tutal naman nalibot niya na yung buong mundo." kapag ayaw na, wag ng pilitin. haaayyy....








Actually, seaman si papa dati. Ilang taon din siya dun, siguro mga more than 25years din niya naranasan maging seaman. Pero bigla na lang siya tumigil. Sabi niya pagod na daw siya. Di ko pa maintindihan ang mga bagay date kasi nga bata pa ko.









Hiwalay na si mama at papa pero may komunikasyon pa kami sa kanya. Isang araw noong magumpisa pa lang ako sa highschool pumunta kami ni mama sa probinsya sa side ni mama hindi sumama si papa, bale naiwan siya sa manila. Lage kong nakakatext si papa at nakakatawagan, daddy's girl kaya ako. Siguro ilang buwan pa kami doon sa probinsya at umuwi na rin kami sa manila.










Pagdating namin ni mama sa bahay wala na kaming naabutan na papa. Yun pala umuwi siya ng probinsiya niya sa side naman niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nalungkot ako. Nung recognition ko naman ng 2nd year highschool bumalik siya para magsabit ng medalya ko, 3rd honor kasi ako noon. Tapos bumalik nanaman siya sa probinsya niya.










Hindi ko pa maintindihan ang mga bagay noon dahil nga bata pa ako. Masyado pang komplikado ang lahat.








Si papa may mga bisyo din tulad ng ibang tao. Mahilig siya magsugal na umaabot hanggang umaga, mahilig din tumaya sa sabong. Nakikita ko siyang nambababae pero ni minsan di ko siya sinuway dahil nga bata pa ako, di ko pa alam yun. Pero hindi naman dumating sa point na nakita ko siyang nakikipagtalik o nakikipaghalikan sa ibang babae. Minsan nga nabubugbog niya si mama kapag sinusundo siya ni mama sa sugalan.










Masakit makita na binubugbog si mama pero wala akong magawa dahil nga bata pa ko, hindi ko pa alam ang gagawin. Gusto ko pigilan si papa pero di ko alam kung paano kaya umiiyak na lang ako.










Sabi ko sa sarili ko hinding hindi ko tutularan si papa. Simula noon kinalimutan ko na siya, nagalit ako sa kanya sa mga ginagawa niya kay mama. Minsan tatawag siya kila kuya para lang manghingi ng pera, pambili daw niya ng gamot pero nalaman namin sa mga kamag-anak namin doon na pinangsusugal lang pala niya yung perang binibigay. Ang masakit pa, galit pa siya pag nanghihingi ng pera sa amin. Parang di niya kami mga anak, nagmumura nga siya minsan pag wala ng maibigay sa kanya sila kuya, parang gusto niya na kami itakwil.











Ang hirap isipin na yung dating tinitingala mo, ngayon ay nagbago na. Yung dating tumutulong sakin sa paggawa ng mga assignments ko, yung dateng sinusundo ako lage kapag nasa bahay ako ng klasmeyt ko, yung unang taong nagturo saken magdrive ng motor, yung lage kong sinasamahan sa mall para magbingo, at yung nagiisang nagbibigay saken ng suporta at inspirasyon sa buhay para sa aking pagaaral. Ngayon iba na siya.








Ganun pala talaga pag bata ka no? Hindi mo pa rin maintindihan ang mga bagay sa paligid. Hindi mo ma-gets kahit alam mo naman ang nangyayare.



- - - - - - - -



Habang nanonood kami ng tv, may biglang tumawag kay mama.





"Hello?"


"oh? napatawag ka?"


"ano? bakit? ano bang nangyare?"



biglang lumabas si mama ng bahay. di ko alam pero parang kinakabahan ako sa mga sinabi niya. Di ko man kilala ang kausap ni mama pero parang kakilala lang namin.






Pumasok na rin si mama sa bahay. Tatlo lang kami ngayon sa bahay, si mama, ako at yung kuya kong bakla.





"mama sino yung kausap mo?"-ako



"ha? ah eh tito mo yun sa probinsya nila papa mo." parang balisang sabi ni mama.



"ano daw po ang sabi?" takang tanong ni kuya.




"ano kasi, sabi ni tito niyo sinugod daw kahapon si papa niyo sa ospital, inatake daw ng mild stroke."-mama




"ha? e di ba binibigyan naman siya nila kuya ng pera? edi may panggamot siya, bakit umabot pa siya sa ganun?" naguguluhang sabi ni kuya.




"sabi ng tito niyo galing daw ang papa niyo sa part time na trabaho niya na pagpipintura tapos dumeretso daw siya sa... sugalan, habang pauwi dun na daw siya inatake." ayaw pa ata sabihin ni mama na galing ng sugalan si papa. hay! wala pa ring pagbabago, kahit ilang taon ng wala dito si papa.





"pupuntahan natin si papa dun." biglang sabi ni kuya.


"uuwi tayo sa probinsya."-kuya





"pero anak wala tayong perang pamasahe papunta dun, tapos may trabaho ka pa di ba?"-mama





"bahala na mama, magreresign na lang muna ako tapos mangungutang na lang ako."-kuya




"kayo na lang ni miralyn ang pumunta, hindi na ako sasama para makabawas sa pamasahe." nagaalalang tugon ni mama.




tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Parang gusto kong makita si papa sa probinsya.



- - - - - - - -



fast forward



May 5, 2012






This is the day of our flight!




Hinatid kami nila mama sa airport. Nagbilin lang si mama ng kung ano ano tapos pumasok na kami ng kuya ko sa loob ng airport.





Habang naghihintay kami ng boarding pass kinausap ako ni kuya.





"anong una mong gagawin pag punta natin doon?"-kuya





"edi baba ng eroplano. hahahaha. e ikaw?" masyado ng seryoso kaya dapat magpatawa ako.





"mali. tatayo muna sa upuan. hahaha" may gana pa tong basagin trip ko. haha




pero ano nga ba ang unang gagawin ko pagdating namin dun?







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A daughter's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon