Chapter 3

6 0 0
                                    



Chapter 3



Luke's POV



"Oh dude Tara sabay na tayo,puntahan ko muna Gf ko. Tara!"


Aya sa akin ni Andrew. Recess na kasi at eto kami ngayon sa labas ng room.


"Ikaw na lang hihintayin ko na kayo dito." Sagot ko.

"Sigurado ka ah.."


Tumango nalang ako at nagsalpak na ng head phone sa tenga.

Hinintay ko na lang sila ng GF niya sa may hagdanan.

Makalipas ang ilang minuto, ni anino nung dalawa wala pa akong naaaninag. Asan na ba yung dalawa? Anong oras na oh! Nagugutom na ako eh!

Tsk. tumingin ako sa ibaba para makita kung nandiyan na ba sila.


"Luke!"

At last nandito na sila. Nilagay ko muna sa leeg ko yung head
phone at tumayo para makalapit sa kanila.

"Ang Tagal niyo naman!"

Reklamo ko. Pero tinawanan lang ako ng dalawa kaya napailing iling nalang ako sa kanila.

Pumunta na kaming tatlo sa canteen at kaagad namang nagpresenta yung girlfriend ni Andrew na siya na daw ang mago-order.

Dahil gentleman kaming tunay ni insan hinayaan na namin siya. HAHA! Gusto niya yun eh!


Kaagad narin kaming naghanap ng vacant table. Habang naghahanap pansin naming nagkaroon ng kumpulan sa may gilid na part ng canteen.


"NAGKAKAMALI KA!"


Biglang may sumigaw na babae at mukha yatang nangagaling yun sa may kumpulan.


"Anong meron dun?"

"Malay ko. Kasama mo ko kaya kararating ko lang dito ba't ako tinatanong mo?"

"Edi wow! Tara tingnan natin!"

"Babae ka ba para maging chismoso? Ikaw na lang! Di ako interesado!"

"Arte neto! Tara na baka may vacant din dun!"



Hindi na ako nakapalag pa sa paghila sa akin ni Andrew. Tsk. Kung wala lang talaga tong girlfriend iisipin kong bakla to. Kanina pa to eh! Parang babae.

Pag nalaman laman ko lang na baluktot ang pagkalalaki neto isusumbong ko siya kay Tito. Tingnan ko lang kung hindi kaagad lumipad pauwi dito si Tito. Kasama kasi siya ni dad sa States.

Tyaka mahirap na noh! Mamaya mahawaan pa ako neto. Paniguradong masasayang ang kagwapuhang taglay ko at mababawasan ang magandang lahi sa mundo.



"Talaga lang ha? Then..nasan?"



Dinig kong sabi nung lalaki nang makisingit kami ni Andrew sa kumpulan para puntahan yung vacant dun sa dulo na nakita niya.

Tingnan mo to! Kita na ngang may eksena dito tapos dito pa talaga naisipang Maupo.

Andrew talaga! Di ko mawari ang takbo ng utak! Dumaan kami sa may likod ng isang pamilyar na babae. Pero nagulat ako ng hablutin niya ako! Di lang yon! Nakipagholding hands pa siya sakin!

Mission : Pretend as Ms. Sungit's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon