Heart-stopping view

3 0 0
                                    

Gusto kong tignan nya ko, ayoko ng sandali lang, ayoko nung parang nahagip lang ako ng mata nya, gusto ko yung matagal, yun bang tinititigan nya ko ng matagal para lang tumingin lang sa kanya tulad ng palagi kong ginagawa.

Pero minsan naiisip ko, ano namang meron sa'kin bakit nya ko pag-aaksayahan ng oras para lang tignan? Marami namang mas magandang tignan kesa sa'kin.

Minsan napapagod na rin akong tignan sya, gusto ko ako naman yung titignan. Sabi ko, hahanap naman ako ng iba na AKO lang titignan, kaso lang .. Wala naman akong potensyal na katingin-tingin kaya bumabalik pa rin ako sa kanya.

Hindi ko alam, pero para syang may mahika na nagpapabalik ng tingin ko sa kanya. Ang sarap nya kasing tignan, ang gwapo-gwapo nya, ang puti-puti nya, ang tangkad nya, tapos .. basta! Ang sarap nyang tignan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me And My InsecuritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon