Prologue:
"Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero bakit? Bakit hanggang ngayon hindi niya pa din makita ang tunay kong halaga?
Para akong barko na lulubog nalang sa sobrang bigat ng nararamdam, kung pwede lang sanang kalimutan ang isang katulad mo...
Kung sana hindi nalang kita nakilala para hindi ka naging malaking parte ng buhay ko..."Tilian at sigawan ang narinig ko mula sa barkada nung basahin ni Savannah ang dati niyang sinulat para sa ex boyfriend niya sabay tingin saakin ng makahulugan...
Saaming mag babarkada si Savannah lang ang may alam sa nangyari sa akin 4 years ago yun ay dahil alam kong siya lang may kayang umintindi sa problema ko."Uhh hello Aldrick umm pwede ba tayo mag usap?" sabi nung babae na hindi namin kilala, "Bitch hello? kita mong nag uusap kami tas sasabat ka? bastusan lang?" Sabi ni Erin, saaming barkada si Erin ang pinaka matapang ewan ko ba jan ang init lagi ng ulo.
Sila na ang naging kasama ko simula nung nangyari yung 4 years ago, maaring wala silang alam basta ang alam lang nila, sakit at puros luha lang ang tangi kong na ilabas sa kanilang lahat... Bagay na alam kong hinding hindi nila maiintindihan.
BINABASA MO ANG
You And I
RomanceSa tuwing naalala kita wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at masaktan ng dahil sa mga alala nating dalawa na tinapon mo nalang ng basta basta. Sa apat na taon wala akong ibang ginawa kundi ang tanungin ang sarili ko, ano nga bang meron siya na...