44

288 14 18
                                    


Quinn's POV


"Quinn! May naghahanap sayo sa baba, di ko kilala eh. Tingnan mo na lang, busy ako." - kumunot yung noo ko nung sinabi yun sakin ni Mommy, eh wala naman akong ineexpect na bisita.

"Sige Mi, wait lang. Baba na po ako." - tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama tapos bumaba na.


Bubuksan ko pa lang yung pinto ng mag-ring ulit yung doorbell ng dalawang beses. "Wait lang!" Sino ba 'to? Hindi makapaghintay eh. Kaya binuksan ko na yung pinto, at nakita ko ay isang babae, na hindi ko pa nakikita dati pa.


"Uhm, hi? Anong pong kailangan nila?" - sabi ko habang tinitingnan yung babaeng nasa harap ko.

"I need to talk to you Quinn, please." - sabi naman niya, eh hindi ko siya kilala eh. 

"Nag-uusap na po tayo, tska sino ka ba?" - tinanong ko na siya kasi nakakacurious 'tong babaeng 'to. May feeling akong hindi maganda. Pero don't judge a book by its cover.

"I'm Avery. Avery Ty. Alam kong kilala mo na ko, at kung sino ako, but please... hear me out. Even just this once Quinn." - siya si Avery? Ang ganda niya, bakit ganun? Pero scratch that, gusto niyang makipag-usap then fine.

"Tungkol saan ba Avery? If this is about Lance talking to me, sabihin mo lang. Iiwasan ko siya if you want... para matapos na 'tong gulo na 'to." - sinarado ko yung pinto para hindi marinig ni Mi at tiningnan ko siya sa mata.

"No Quinn. It's not that." sinabi niya yun at nginitian ako. "I just want to say na sana maging masaya na kayo ni Lance. I will be leaving soon, wag niyo na akong alalahanin okay? Alam kong ikaw yung gusto at mahal ni Lance so please cherish it. I tried getting him back pero hindi ko kaya, maybe he just loves you that much to not even notice me." tumingin muna siya sa gilid gilid bago niya punasan yung mata niya. Hindi ako sanay sa ganito, hindi ko naman inisip na aabot sa ganito 'to eh. "Just take care of him. I know na gusto mo na rin naman na siya, pero don't make the same mistake that I did. Don't leave him, okay?" tumango na lang ako sa tanong niya. Maybe it's time to let my feelings out.

"Maybe I don't really know you Avery and maybe you made mistakes, pero I somehow adore you because you fought for the one you love. Which I failed to do. And you're willing to let go for that person's happiness. Pero thank you." - tininingnan ko siya at nakita kong nakangiti siya sakin, and I was glad I'm doing the same thing too. 

"I better get going Quinn. But thanks for your time. Bye!" - kumindat siya bago umalis sa bahay namin. 



Bumalik na ko sa kwarto ko tapos kinuha ko yung phone ko.


Wattpad: 2 new messages.


Binuksan ko yung messages at lahat yun galing kay lance. Kanino pa nga ba? Eh siya lang naman yung kausap ko sa wattpad eh.


lanxeu: quinn!

lanxeu: bakit di ka pa nagrereply?

queencyst: miss mo na ko agad? sorry na. kinausap lang ako kanina ni avery. :)



----------

a/n: drama chapter lol. sujeong is avery's portrayer. lmao. i can sense that the end is nearing.

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon