Lance's POV
"Kami na ba talaga Zera?" - tanong ko ulit sa kapatid ko habang nakangiti na katulad kay joker sa lapad.
Lumingon siya sakin at nagsalita. "Kuya isa pa talagang tanong ihahampas ko na sayo tong kaldero eh. Tska sabi mo lang naman 'make your new forever chuchu', hindi mo naman siya tinanong kung kayo na. Duh!" - sabagay may point siya. Pero ibig sabihin naman nun may gusto na sakin sa Quinn diba? Okay na yun.
Lumapit na lang ako kay Zera at inakbayan siya, "may bago ka ng ate. Yieee." - umirap lang siya nung sinabi ko yun at nagpatuloy na sa pagluluto. Aba. "Ano ba pwede kong gawin kay Quinn para maging kami na? Dali. I need your help sistah." - nagpuppy eyes pa ako at nagpout para lang tulungan ako ni Zera kaya pumayag ka, pumayag ka Zera.
"Oo na. Kadiri. Umalis ka dyan, mainit tong hawak ko oh." - sabi niya kaya umalis ako para makapag-ayos siya sa lamesa. "Surpresahin mo na lang, tapos tanungin mo 'Will you be mine Quinn?' ganun. Tapos!" - seryoso? Yun na yun? Diba dapat may kilig kilig pa?
"Ang corny naman nun. Dapat yung kikiligin sa Quinn!" - totoo naman diba? Ganun yung mga gusto ng babae eh. Yung kikiligin sila, tapos kunwari galit pa sa una, pero sa loob loob naman sobra ng kinikilig. Sus. Galawan niyo. "Ah! Alam ko na!" - sabi ko kay zera at tumakbo papunta sa kwarto ko, di ko na pinakinggan yung pagsigaw sakin ni Zera.
***
"Hello? Hoy. Avery? Hoy! Magsalita ka!" - pagsigaw ko dun sa phone ko.
"Yes ex? Makikipagbalikan ka na ba sakin?" - sabi niya at tumawa. Tss. Avery talaga.
"Hindi baliw." - napakamot na lang ako sa batok ko. "Kailangan ko malaman address ni Quinn."
"You still don't know? Tsk tsk." - nanahimik siya saglit at nagsalita ulit. "Fine. I'll send it to you. Bye ex!" At binabaan na ako ng telepono. Langya talaga 'tong babaeng 'to.
Hinintay ko lang hanggang sa mareceive ko yung text niya, at nakita ko yung address. "Eh sa kabilang kanto lang 'to ah!" - bigla ko na lang nasabi ng malakas. Kasi naman ang lapit lang pala. Edi sana lagi siyang pinupuntahan sa bahay niya diba? Tss.
lanxeu: tol, peram kotse mo. punta ko dyan bukas ng umaga ah?
OPP4R_: para san?
lanxeu: para sa lovelife ko tol
OPP4R_: landi mo gago. ge. kunin mo na lang bukas.
Okay. May kotse na ko, balloons na lang tska bulaklak. Mwahahahahahaha!
Okay hindi bagay.
***
9:00 am
lanxeu: reynang mahal ko, labas ka ng bahay mo please? :*
queencyst: mamaya ka na. inaantok pa ko.
Mas inuna pa ako sa tulog niya. Tss. Pano ko ba papalabasin 'to?
lanxeu: please? ang init kaya dito sa labas. :(
queencyst: fck. nasa labas ka ng bahay namin?!?!
lanxeu: oo. kaya lumabas ka na, kundi hihilahin kita palabas.
queencyst: bwiset naman oh. oo na sige na! lalabas na ko!
Yes! Biglang bumukas yung gate, at nakita ko si Quinn. Ang cute naman niya sa pajama niya. HAHAHAHAHA. Atleast nakajacket naman siya.
"Good morning reynang mahal ko!" - sabi ko sabay ngiti ng nakakamatay na ngiti.
"Walang good sa morning. Mukha mo agad bumungad sakin." - sabi na lang niya at tumingin sakin. "Ano ba kailangan mo at nanggising ka ng ganito ka aga?"
Binuksan ko yung pintuan nung kotse tapos kinuha ko yung ibibigay ko sakanya. "Oh." - inabot ko sakanya yung flowers na binili ko kaninang umaga. "For you." sabi ko at nagbeautiful eyes.
"Bakla ka ba?" - sabi niya habang pilit na nagpipigil ng tawa. "Joke lang naman." Inamoy niya yung bulaklak, pero bigla niyang nilayo sa mukha niya. "ANG BAHO NAMAN NITO."
Tumatawa lang siya kaya kinuha ko yung bulaklak at inamoy... Oo nga. Mabaho nga. Fail. Fail. FAIL.
Inakbayan ko na lang siya papunta sa trunk nung kotse at ngumiti. Shit. Kinakabahan ako. Mamaya isa rin tong fail eh. Okay. It's now or never.
"Quinn..." tumingin ako sakanya at hinawakan yung kamay niya. "Halos isang taon na rin tayng magkausap, kahit na sa wattpad ang yun. At hindi ko ikakaila na nafall na ako sayo. Kahit na sobrang bitter mo at sobrang snob mo pa. Kagabi lang ako nagsimula manligaw sayo, kaso di na ako makapag-intay. Kaya sa araw na 'to, tatanungin kita Quinn..." - huminga ako ng malalim at binuksan yung trunk, lumuhod ako sa harap niya. "Will you forever be mine, Quinn?"
Natawa muna siya nung nakita niya yung laman nung trunk. Anong nakakatawa? Balloons lang naman yung tapos poster na may flowers ah? "Tch. Binasa mo lang yung nasa poster na nakasulat eh. Tumayo ka nga, hindi bagay sayo." - tumayo na ako, pero shit kinakabahan ako. Wooh. "Hmm, kahit na medyo pangit yung lettering, at mabaho yung flowers. Sige na, kahit na walang forever." sabi niya at ngumiti.
"OKAY! Wala ng bawian! Wooh tayo na!" - sabi ko at nagsisisigaw dun. "Yes wooh!!!!!" sigaw ko ulit at kinarga ko si Quinn.
"HOY! IBABA MO KO DITO LANCE. ISA." - pero hindi ko parin siya binaba. "Break na tayo pag hindi mo ko binaba, isa." - bigla siyang nagseryoso kaya binaba ko na siya. Sabi ko nga kasi eh. "Joke lang naman." At tumawa siya kaya ginulo ko na lang buhok niya. "Sige na maliligo na ko. Umalis ka na chupi!" Tapos tumakbo papasok sa bahay nila. Talagang hindi ako pinapasok? Tss. Ibang klase.
Pasalamat ka mahal kita. At sisiguraduhin kong maniniwala ka na may forever.
----------
a/n: hays. short epilogue but here it is. aw. #quince2k16 yayyy!!!!! 061316 waaaaah. <3 huhuhuhu
![](https://img.wattpad.com/cover/58793994-288-k742916.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever.
Short Storyepistolary story #1 || ever series "forever? nakakain ba yun?" {010116-061316} completed - highest #131