Pangatlo

13 0 0
                                    


Pagkatapos ng buong klase namin ay nagsiuwan na sila . Ako nalang ang nandito sa room dahil hinihintay ko pa ang kapatid. Pinatawag pa kasi sya sa Adviser namin ewan ko kung bakit . Habang hinihintay ko ang kapatid ko ay nagbasa basa muna ako ng kwento sa libro .

Abala ako sa pag babasa ng may biglang pumasok . Si Philip lang pala . Si Philip ang Prince Charming namin dito sa building namin . Mabait sa pero may pagka tahimik lang sya .

" Oh nandito kapa pala Glenn " sabi nya

" Ha ? " sabi ko

" Aishh o nga pala wait lang " - Philip

May kinuha syang papel at ballpen sa bag nya . Alam ko na ang gagawin nya .

" O " - Philip

Nakita kong may inabot sakin at kinuha ko

Andito kapa pala Glenn . San ba ang kapatid mo ?

Pagkatapos kong mabasa nginitian ko sya .
" Nandun pa sa Faculty room pinapatawag ni Mam " sabi ko

Nakita ko syang tumango at pagkatapos nag sulat sya ulit at pinakita nya sakin

Iwan na muna kita dito uuwi na kasi ako Ingat ka

Yan ang nakasulat sa papel . Ngumiti ako tapos tumango at pagkatapos umalis na sya . Pagpatuloy ko muna ang binabasa ko .

After ilang minuto dumating na yung kapatid ko .

" uuwi na tayo ? " tanong ko sa kanya .

Tumango sya at tinulungan nya akong magdala ng gamit ko .

Pansin ko lang bat ang hilig nilang tumango . Weird ha

----------------

Nandito na kami sa bahay . Naabutan namin si mama na magluluto . Hinalikan namin si mama sa pisngi at pagkatapos pumunta na ako sa room ko . Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at pumunta sa kusina . Maaga kasi kaming maghapunan at maaga rin kaming matulog .

Lumapit na ako sa lamesa at umupo . Nakahain na kasi ang luto ni mama . Hmmm ang sarap Ang ulam namin ngayun ay adobong manok at ginataang gulay . Yayyy kain tayo guys hihi

" Hayyy sana makarinig na ako " bigla kong sabi

May tinype si mama sa Cellphone nya at pinabasa sakin .

Wag kang mag alala anak . Pag napuno na yung pinag ipunan ko bibilhan kita ng Hearing aid kaya chill lang muna Okay .

Ang drama ni mama hehe pero love ko yan

" Sge po ma salamat " sabi ko

" Oh sge kumain na kayo " sabi ni mama

Nakita kong bumukas yung pintuan at pumasok si papana may dalang plastik . Lumapit sya samin at nag mano kami ng kapatid ko sa kanya .

Umupo na sya at nilapag ang dala nya at nagsimula ng kumain . Nakita kong may kinuha si Jiselle sa plastik at dun ko nalaman na prutas pala ang laman nun kaya nakikuha na rin ako .

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si mama na magligpit ng mga plato . Si Jiselle ayun nasa kwarto nya ata nag fefacebook na naman yun .

After ko tinulungan si mama ay pumasok na ako sa kwarto at nag assignment . May assignment kasi kami ngayun sa English . Habang na a-aaaignment ako nakita kong umilaw yung Cellphone ko . Siguro may nag text . Hindi naman sila pwedeng tumawag sakin kasi diba ? Dahil sa kapansanan ko .

Binuksan ko ang message at nakita kong may nag text nga

From : 09367326525

Hi Glenn . It's Philip. Ano nga pala yung assignment natin ?

Huh ? Si Philip san nya naman kaya nakuha ang number ko . Mareplyan nga

To : 09367326525

San mo nkuha number ko ?

Sending ......

Your message was not sent ..

1 message recieve

From : 7210

Your balance is 0.00 Peso . Please reload immediately .

Ayy tanga wala nga pala akong load . Aishhh . Yaan na nga bukas ko nalang sasabihin tutal wala naman yung teacher namin sa English bukas .

Binalik ko nalang yung cellphone ko sa tabi ng unan ko at nagpatuloy sa assignment .

******
A/N : Actually guys yung number na yan totoo talaga yan kaya kung gusto nyo makatext si Philip text nyo nalang hehe Joke lang di talaga yan si Philip .

By the way don't forget to Vote and Comment. Paki follow na rin Labyu

My Deaf GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon