Her POV
"Nay! Wag mo kaming iwan ni tatay!" pinigilan ko si nanay sa pag-alis.
"Di ko na kaya ang buhay na ganito! Sawang sawang na ako! Di ko pinangarap ang ganitong buhay! ang buhay mahirap!" Sabi ni nanay na pilit inaalis ang kamay ko sa pagkakapit sa braso nya.
"Christina naman eii~ wag mo kaming iwan ng anak mo. Pangako ko sayo, magdo-doble kayod ako para sa inyo" hinawakan ni tatay ang kamay ni nanay.
"Dyan ka magaling sa mga pangako mo! Mabuti pa si Carlo kaya nya akong bigyan sa mga gusto ko!" Tinulak ni nanay si tatay at tumakbo sya palayo. P-palayo samin ni tatay.
"Anak anak gising"
"Tay~ huhuhu" Niyakap ko si tatay
"Nananaginip ka na naman anak." pinupunasan ni tatay ang mga luha ko ngunit patuloy parin ito sa pagtulo.
"Tahan na anak. Tahan na" Maya maya ng tumahan na ako. Bigla akong dinalaw ng antok kaya unti unti kong pinikit ang aking mga mata. Hinalikan ni tatay ang noo ko.
"Sana'y kalimutan mo na sya anak. Dahil sya, kinalimutan na tayo" Salitang binitiwan ni tatay bago sya lumabas ng kwarto.
Pangako ko sayo tay. Pagsisihan nya ang pag-iwan nya satin.
At tuluyan na akong nakatulog.**
A/N
Short po muna ^^vKahit na walang magbabasa nito. Itutuloy ko pa rin *smiles*
BINABASA MO ANG
Ang Mapaglaro na Tadhana
RandomMay isang dalaga, noong una ay masaya silang namumuhay ngunit dumating ang araw na siya ay iiwan ng kanyang ina. Pero akala nya na yun lang ang kanyang poproblemahin. SIMULA pa pala ito ng kanyang pagsubok. *** First story ko po ito kaya gagawin k...