"T-tay huhu" iyak na lang ko ng iyak ng biglang dumating si Phil
"Beh~ anong nangyari?" Biglang dumating sa Phil.
"P-phil si t-tatay" Niyakap ko si Phil at nagsimulang ikwento ang lahat.
Flashback
"TAYYYYYY!" Nadatnan ko si tatay na walang malay sa sahig.
"Tayy" Di ko na napigilang umiyak.
"T-tay maghintay ka muna. Hihingi ako ng tulong" at lumabas ako para humingi ng tulong.
At sinugod nasa hospital si tatay.
End of flashback
"Huhuhu"
"Magiging ok ang lahat beh~ think positive" hinihimas ni Phil ang likod ko at pilit akong pinapatahan.
"Sana nga Phil. Sana nga" pabulong kong sabi.
Sana maging maayos ang lahat.
"Sino po ba ang kamag-anak ni Mr. Gonzales?"
"A-ako po dok. Anak po nya ako"
"Maayos na ang lagay ng father mo. Stress at pagod lang sya. Kaya ang maipapayo ko sayo. Dapat magpahinga sya, huwag papagurin ang sarili at huwag magpapaka-stress. Ipapaabot ko nalang sa nurse ang reseta." Sabi ng doktor
"Ok po dok. Salamat"
Biglang dumating ang nurse at sabing
"Excuse me dok. Inilipat nasa Room 105 ang pasyente"
"Salamat po ulit" Sabi ko at nagsimula ng maglakad patungong room 105.
"Anubayan beh~ mang-iiwan nalang ganun?" Hingal na hingal na sabi ni Phil. Kaya napahinto ako
Ayy tang*na! Nakalimutan ko ang isang to xD
"Sorry Phil haha"
"Ok lang" inakbayan nya ako at nagsimula na kaming maglakad.
Room 105
"Eto na yun" Binuksan ko ang pinto at nakita ko si tatay na mahimbing na natutulog.
"Tay" Sabi ko at lumapit kay tatay
"Beh~ bili lang ako ng makakain" Sabi ni Phil at umalis.
"N-nak" dahan dahang minulat ni tatay ang kanyang mga mata.
"Tay. Alam mo bang nag-alala ako sayo. Di ko al-" Pinutol ni tatay ang sasabihin ko
"Shhh ok na ko anak. Wag kang mag-alala"
"Eto na yung pagkain" dumating si Phil at nilapag nya ang binili nya sa lamesa.
"Naku iho. Nag-abala ka pa. Di ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong ni Tatay
"Ok lang po yun tito. Atska wala po sila mama sa bahay nasa business trip" sagot ni Phil habang pinagtatalop ang apple
"Gutom ka na ba tay? Gusto mong kumain?"
"Wag na nak. Busog pa ako. Magpapahinga nalang muna ako." Ani ni tatay
"Sige tay. Goodnight po" Hinalikan ko sa noo si tatay.
Maya maya ay nakatulog na sya.
"Oh ikaw jan. Di ka pa uuwi? 11:00 pm na po" umupo ako sa tabi nya
"Nah~ dito lang ako. Samahan kita"
"Inaantok ka na ba?" Tanong nya sakin
"Hmm medyo" pa pikit pikit kong sabi. Sumandal ako sa upuan at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Phil's POV
"Beh~ kung inaantok ka na sabihin mo lang sakin" Sabi ko
"Beh?" Nilingon ko sya at haha nakatulog na pala.
Para akong tangang nagsasalita dito. Kaya binuhat ko sya at pinahiga sa couch.kumuha ako ng upuan at umupo sa harap nya. Pinagmamasdan ko ang mukha nya.
Ang ganda nya talaga. Mahahabang pilikmata, matangos na ilong, pinkish cheeks a-at mapupulang labi.Hayy~ ba't ang manhid mo beh? Maganda to, torpe + manhid = Friend zoned.
Matagal ko na talaga syang gusto. Noong una ko palang syang makita. Sh*t napangiti nalang ako ng maalala ko ang first meeting namin. Kahiya lang talaga.
Flashback <before iniwan sila ni Chloe ng nanay nya>
"Mommy huhuhu san ka na po?" Iyak ako ng iyak.
Nasa mall kami ng Mommy ng bigla nalang akong nawala.
"Mmy huhuhu" umupo ako sa gilid at patuloy parin sa pag-iyak
"*sobs* mmy huhuhu"
"Hoy bata" may lumapit saking babae. Same age ko lang siguro.
Tinakpan ko ang mukha ko at patuloy lang sa pag-iyak.
"Hoy Bat ka umiiyak?" Tanong nya sakin at pilit inaalis ang kamay ko sa mukha ko.
"Kasi naman *sobs* nawala ako. Di ko alam kung nasan *sobs* si Mommy" Sagot ko na nakayuko
"Naku~ wag ka ng umiyak jan. Para kang bakla. Haha biro lang. Tara punta tayo kina Nanay" at hinila nya ako.
"Nay!" Tawag nya sa nanay nya. Pano ko nalaman? Ehh 'nay' tawag nya ehh :P
"Oh anak. San ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap. T-teka sino yang kasama mo?"
"Nay nakita ko po sya dun *turo somewhere* nawawala po sya nay ehh"
"Ganun ba nak. Sige hahanapin natin ang mga magulang nya" Sabi ng lalaki, tatay niya siguro?
"Sila Mommy!" Tinuro ko sila mommy
"Tara puntahan natin"
"Mommy! Daddy!" Tumakbo ako papalapit sa kanila
"Baby~ huhu san ka ba galing? Alalang alala na kami sayo" niyakap ako ni Mommy
"Nakita po sya ng anak namin" Sabi ng tatay ng babae
"Maraming salamat sa inyo. kung wala kayo. Baka kung ano ng nangyari sa anak ko" Sabi ni Daddy
"Walang anuman" Sabi ng nanay ng babae.
"Btw, My name is Margarette Cruz. Sya naman si Jake Cruz, asawa ko at Si Phil Liam Cruz, anak namin" pakilala ni Mommy
"Ako nga po pala si Christina Gonzales. Sya ang asawa ko si Charles Gonzales at ang anak ko si Chloe Dianne Gonzales" Sabi ni Tita Christina. OO tita na ang tawag ko sakanya. Haha FC ba? Pogi ehh :P
End of flashback
At simula nun naging magkaibigan kami pati narin parents namin. Osha osha inaantok na ako.
Kaya naman sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan xD at natulog.
BINABASA MO ANG
Ang Mapaglaro na Tadhana
RandomMay isang dalaga, noong una ay masaya silang namumuhay ngunit dumating ang araw na siya ay iiwan ng kanyang ina. Pero akala nya na yun lang ang kanyang poproblemahin. SIMULA pa pala ito ng kanyang pagsubok. *** First story ko po ito kaya gagawin k...