*Kasalukuyang gumagawa ng project si Ara ng mag-isa sa library, kung saan ay ka-grupo nya dapat si Carol. Pero nagsabi itong may sakit, kaya nagpaiwan nalang ito sa dorm. Duda naman sya na baka nagdadahilan lang ito para makatakas, kaya naisip nyang tawagan para i-check*
Ara: "Hello? Nasaan ka ngayon, donks?"
Carol: "Nasa dorm lang."
Ara: "i-ON mo nga ung blender."
Carol: *on ng blender*
Ara: "Okay. Akala ko gumala ka."
Carol: "May sakit nga, baks. Paano gagala. Babush na nga, istorbo ka sa pag-i-sleeping beauty ko. Ciao!"
Ara: "Sorry naman. Bye!"*After 1hour, malakas pa rin ang kutob ni Ara na gumala lang si Carol kaya tumawag sya ulit*
Ara: "Nasaan ka?"
Carol: "Sa dorm nga. Ulit-ulit?"
Ara: "i-ON mo ung blender."
Carol: *on ng blender*
Ara: "Yan! Magpagaling ka lang dyan, para bukas bumawi ka dito sa ginawa ko."
Carol: "Oo na nga. Tutulog ako, eh. Babush!"
Ara: "Hmmp!"*After another hour, naisipan nang umuwi ni Ara dahil feeling nya ay tuyot na ang utak nya. Pagdating sa dorm ay agad nyang hinanap si Carol para ipakita ang nagawa nya*
Ara: "Wafs, nasaan si Donkey?"
Kim: "Ewan ko ba dun kung saan pumunta. Dala pa nga ung blender, di tuloy kami makapag-shake."
Ara: -_-