I Love You! CRUSH kita
(ONE-SHOT)
Anung pwedeng mangyari pag ang ultimate love of your life ay sinabing mahal ka at the same time CRUSH ka lang.
" I love you!!!! Crush kita! "
" I love you!!! Crush kita! "
" I love you!!! Crush kita! "
Uwaaaahhhh! Maloloka na talaga ako, paano naman kasi. Yung super duper mega crush ko ay este mahal ko simula nung first year ay MAHAL ako?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ay hindi pala, CRUSH niya lang ako?? (?_?)
********
Aug. 3, 2013
10:45 pm
Crush ko siya, matagal na, simula pa lang nung nakita ko siya, hindi na maalis sa isipan ko ang napaka gwapo niyang mukha, sa tingin ko nga hindi lang crush 'tong nararamdaman ko sabi kasi nila pag umabot na hanggang 3 months ang crush its no longer a crush na, love na daw ang tawag dun. Siguro nga love na to, eh tatlong taon ko na kayang crush itong si Chase, hindi nga talaga 'yon crush. Love na talaga to!
Kaya ikaw Mr. Diary, ayusin mo sarili mo. Wag kang magpapabasa kahit kanino, ikaw lang kaya sinasabihan ko ng sikreto.
.
.
.
.
.
.
.
Ang babaeng inlove kay Chase: LOVELY SARMIENTO <3
Wala yatang gabi na hindi ko binasa ang diary ko, araw araw dinadagdagan ko ang nilalaman nito, dito ko sinusulat ang lahat ng detalye about kay Chase Gatchalian, my first and last love, alam niyo ba yung feeling na nung nakita ko siya, nasabi ko na lang.
"SIYA NA!"
I know it's lame, who cares, eh siya na nga kasi talaga eh, alam ko nung una crush ko lang talaga siya, yung paghanga lang, yung tipong pag nakikita ko siya ang ganda ganda na ng araw ko.
"Lovely matulog kana, hindi ba bukas na ang festival sa school niyo? Kailangan ka dun, SSC President ka pa naman." Its my yaya Veranda, siya lang ang kasama ko dito sa bahay, parang nanay ko na nga din siya eh, halos siya na din ang nagpalaki sakin, ang mga parents ko kasi ayun, mayaman na nga, nagpapakayaman pa.
"Opo yaya, ililigpit ko lang 'tong mga gamit ko. " tugon ko sa kanya.
~~~
Maaga akong nagising ngayon, tulad nga ng sinabi ni yaya kagabi, may festival kami, 3rd year college na pala ako, kumukuha din ako ng kursong may kinalaman sa business. Sa Marymount University ako nag aaral.
Hinatid na ako ni Mang Balong sa school.
"Good morning Miss President!" Bati sakin ng mga estudyanteng nasasalubong ko, ganito naman araw araw ang eksena tuwing papasok ako, babatiin nila ako at tumutungo lang ako sa kanila.
"BESTIEEEEEEEE!!!! Ang tagal mo ha! Late kana! Sabi mo dapat 6:3O nandito na, sira ba yang relo mo? 7:30 na oh. Imposible naman walang orasan sa mansyon niyo!?"
BINABASA MO ANG
Compilation of my ONE SHOT stories
Short StoryCompilation of One Shot Stories that will make you kilig, asar, iyak and tawa :) hope you guys will enjoy it!