One Love

369 18 2
                                    


Kirsten POV

" Let's break up. I'm sorry Kirsten, mali ang relasyong meron tayo. "

Nagising ako bigla mula sa isang napakapangit na panaginip. Asar! Bakit ba lagi ko na lang napapanaginipan ang pangyayaring 'yon? This is torture! Ilang buwan na ang lumipas simula ng mag break kami pero parang hindi pa din ako maka move on.

Masakit pa din, pinaramdam niyang mahal niya ako pero anong ginawa niya? Hindi niya lang winasak ang puso ko, pinahiya niya pa ako sa maraming tao.

Nakipag break lang naman kasi sa akin ang boy next door na si Spike sa napaka daming tao. Hindi ko makalimutan ang araw na 'yon dahil sa mismong araw ng laban nila pagkatapos ng pagkapanalo nila sa basketball ay sinabi niya ang mga katagang 'yon. I was about to surprise him that day, dahil monthsarry din namin pero ako ang na-surprise.

Ako!? Ako na si Kirsten na napaka ganda ay brineak niya! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, oo nga't gwapo siya, mayaman, masarap titigan, nakakalusaw ang mga ngiti. Pero wala siyang kwenta! Bwisit siya! Hindi pa siya kunin ng mga alien!

Agad akong nag-ayos para pumasok, sinigurado kong magandang maganda ako, maganda naman talaga ako, at take note mabait din ako, mabait sa mga taong mabait din sa akin. Pinalaki akong mabuting tao ng mga magulang ko, may mga pagkakataon lang talagang may napupunta sa wanted list ko at isa na dun ang boyfrie-- 'EX-BOYFRIEND' kong si Spike.

What do you want to expect from me? Ang tratuhin siya na parang friends lang? Duh~ hindi ako martyr, pinahiya niya ako ng husto. At nagkamali siyang binangga niya ang isang Kirsten Montez.

Kasama ko na ngayon ang bestfriend kong si GeAra, nasa cafeteria kami at pinapanuod ko siyang kumain.

" Kanina ka pa tahimik? Andiyan ba siya? " alam na alam talaga ng Haponesang 'to ang ugali ko. Alam niya kasing pag tahimik ako, isa lang ang ibig sabihin nun, malapit lang sa amin si Spike.

" Wala akong ganang magsalita at kumain. " walang gana kong sagot.

" Sus. Ayaw mo lang madungisan ngipin mo dahil nandiyan si Spike. " pinaningkitan ko ng mata si Ge.

Nagkaroon kasi ako ng past dati na kumakain ako ng chocolate, at biglang lumapit si Spike sa akin, ang kapal lang ng mukha, nagagawa niya pa akong lapitan, and guess what he did. Lumapit lang siya para lang pagtawanan ako dahil may chocolate ako sa ngipin habang nagsasalita.

Nakaka bwisit lang talaga si Spike, dahil kahit break na kami, feeling niya hindi pa kami break at kung lapit lapitan niya ako at buwisit buwisitin ay parang wala lang sa kanya!

Napasulyap ako bigla sa pwesto nila Spike, at saktong pagtingin ko sa kanya ay biglang nagtama ang mga mata namin!

Nakipagtitigan siya sa akin, ganun din ang ginawa ko, anong akala niya? Magpapatalo ako? Hanggang sa unti unti na lang siyang nag smirk! And dang! Alam na alam niyang gustung gusto ko pag ngumingiti siya, talagang bwinibwisit niya ako. Binigyan ko din siya ng isang nakapanlalambot ng mga tuhod na ngiti.

Walang sino man ang hindi nahumaling sa mga ngiti ko at paniguradong tatayo ang bwisit na yan at lalapitan na naman ako.

Napailing na lang si Spike at nag-iwas ng mata habang ngingiti ngiti ng nakagat ang ibabang labi, talagang kahit sa pag-iwas ng tingin nang seseduce pa din. Feeler talaga. Too bad talo siya sa kamandag ko.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, lalapit siya sa akin, at lumapit nga, itinuon ko na lang ang pansin ko sa librong hawak hawak ko. Napahinto pa sa pagkain si GeAra at tumingin sa bagong dating na si Spike.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of my ONE SHOT storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon