My Rainy Love : ONE SHOT

566 17 4
                                    

My Rainy Love : ONE SHOT

" Gusto mo bang maki share sa payong ko? Mukha kasing hindi na titila ang ulan. "

Aya ko sa lalaking pareha kong nakatayo sa tapat ng building namin sa school.

Binaling ko ang tingin ko sa malakas na pagbagsak ng bawat patak ng tubig ng ulan, lagi na lang ganito. Tuwing hapon, tuwing uwian. Bubuhos ang ulan na parang wala ng balak tumigil.

Banayad akong nakatingin sa ulan, nang naramdaman ko na lang, na kinuha nung lalaki yung payong ko. Tinignan ko siya, walang reaksyon ang mukha niya. Nagulat ako sa ginawa niya, naglakad siya patungo sa trash can, at itinapon niya ang payong ko.

~~

" Wilvelyn, nagawa mo ba yung assignment natin sa Biostat? Pwedeng pa kopya, hehe.. ang lakas kasi ng ulan kahapon, nawalan kami ng kuryente kaya di ko nagawa. Don't worry friend ngayon lang naman ako kokopya. Promise promise next time hindi na ko mangongopya. "

Tango lang ang nasagot ko kay Maria, classmate ko, friend ko at seatmate.

" Wilvelyn, huy! Akin na. Nasan na ay? Dali baka dumating na si Ma'am. " niyugyog yugyog niya pa ako.

" Okey ka lang ba friend? Tulala ka girl! Masama yan! Patingin kana sa doctor " hirit pa niya. Totoo naman kanina pa ako tulala dito, tulala dahil okyupado ang isip ko sa lalaking nakasabay kong umuwi kahapon.

" Ha? " tanging sagot ko sa kanya.

" Ewan ko sa'yo. Akin na nga notebook mo. " inabot ko sa kanya yung notebook ko, dali dali naman niyang kinopya yung assignment namin.

Ilang buwan ko pa lang naging kaibigan si Maria, pero feeling ko ilang taon na kaming magkakilala, irregular student siya, nag shift siya ng course from Midwifery to BA, kahit na sa biostat ko lang siya nagiging classmate sobrang close na kami ni 'to. Mag ka age lang kami, parehas kaming 18 yrs. old, and 3rd year students.

Napakadaldal niya, yan na din siguro ang dahilan kung bakit sobrang close kami ngayon, hindi siya nauubusan ng kwento. Halos makilala ko na nga ang buong angkan nila sa mga kwento niya, minsan nga kahit wala namang kwenta yung kinukwento niya tuloy pa din siya. Parang yung pagkamatay daw ng aso ng kapitbahay nila, pinulutan daw kasi ng mga tao sa kanto yun. Mga ganitong bagay ba yung kinukwento niya.

Dumating na yung teacher namin, nag discuss lang siya, ng mga numbers na nakakahilo, yung tipong konti na lang, puputok na lahat ng veins namin sa utak maintindihan lang ang topic namin sa biostatistics.

Favorite ko ang math since elementary, pero hindi ko ini-expect na mag lelevel up ang math sa ganitong level (-_-) kaya nga dumating sa punto na naging motto ko in life ang expect the unexpected.

Nag end ang klase namin, as always nag-iwan na naman ng problem si Ma'am at assignment na naman namin ito. Routine na ata ni Ma'am ang ganito. After discussion may assignment na iiwan.

Naghiwalay na din kami ni Maria, may subjects kasi siyang pang lower year kaya kinukuha niya pa yun. Ako naman after ng klase ko, pumupunta ako sa office namin. Kasali kasi ako sa School paper org. namin sa school, I'm the currently photo journalist.

Nagtungo na ako sa office namin. Ganito lang ang routine ng school life ko, papasok sa school - mag-aaral - pupunta ng Org. Office aayusin ang mga naiwang trabaho - uuwi ng bahay na pagod - kakain -matutulog at papasok ulit kinabukasan.

Boring lang ang takbo ng buhay ko, ni minsan nga never pumasok sa isipan ko ang magkaroon ng lovelife, bakit pa ko mag la-lovelife? Ano bang meron sa ganung bagay?

Sabi ni Maria, masaya daw. Yung tipong parang nasa cloud 9 ka daw, yung tipong makakaramdam ka ng paru-paro sa tummy mo, yung tipong lagi ka daw nakangiti at yung tipong lagi kang kinikilig. Pano niya nalaman. Simple lang kasi nagka boyfriend na siya dati, nakwekwento pa nga niya sa akin dati yung boyfriend niya. Mahal na mahal niya daw ito, pero kailangan niyang hiwalayan, sapagkat ayaw ng mga magulang niya na magka boyfriend siya.

Compilation of my ONE SHOT storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon