Wish 3

1 0 0
                                    

ASIA'S POV

"Lugar ng mga gwapo, psh. Anong akala niya, may lugar ng mga pangit at dun siya pupunta sa mga gwapo? Hayy, hindi ko talaga maintindihan ang isang yun." Napa-iling na lang siya habang bumubulong sa sarili.

"Mukha na akong baliw nito, eh." bulong pa niya.

"Well, mukha nga."

Napalingon siya sa dumating. Si Alexa–my girl bestfriend. Napasimangot siya.

"O, bakit? Eh totoo naman, ah. Nagmo-monologue ka diyan buti nga lumapit na ako kung hindi mapagkakamalan ka nga nilang baliw. Sayang naman kung ang isang Natasia Villafuente ay magiging baliw lang."

"Psh, dami mong nasabi ah. Pahingi nga niyan. Nagutom ako sa haba ng sinabi mo." sabay kuha niya sa sandwich at carbonara na dala nito.

"Geh, hinay hinay lang. It's all yours, don't worry." Natatawang pigil nito na ikina-kunot ng noo niya.

"Ah, talaga? Salamat ha. Paano mo nalaman na hindi pa ako kumakain?"

" Nah, binilin lang sa akin yan ni crush." Nakangiting sagot nito.

"Crush? May crush ka na? Bakit hindi ko ata alam ang balitang iyan? Sinong crush mo at bakit para sa akin ang pagkain?"

Nanlaki ang mata nito sa tanong niya pero naroon pa rin ang pigil na ngiti nito. Napailing na lang ito at tinitigan siya.

"Gaga, sabihin mo nga sakin ang totoo."

"Ha? Ano namang totoo?"

"Anong tinira mo kanin—hey, easy lang." Natatawang sabi nito.

"Mga pinagsasabi mo kasi." Sabay subo ko sa piraso ng sandwich na ibabato ko sana sa kanya. Luka-luka kasi, kung ano pinagsasasabi.

"Hay girl, gutom ka nga. Tsk tsk, nakalimutan mong crush ko ang BoyFriend mo eh." Natatawang sabi nito.

Nanlaki ang mata niya. Kelan pa siya nagka-boyfriend?

"Ash, ang priceless ng reaction mo." Natatawa pa ring sabi nito. "I'm pertaining to Gio. Nakalimutan mo? 'Di ba crush ko ang Boy—oo na, bestfriend na."

Irap nito nang akma ko siyang pupukpukin ng tinidor na hawak ko. Bakit nga ba nakalimutan kong crush nga pala nito ang kumag na iyon. And speaking of, asan na kaya ang isang iyon?

"Where is he?" Tanong ko dito.

"Nasa next class niya. Kaya bilisan mo na diyan. Lab ang next class natin. Dala mo ba ang mga ingredients?"

Napatango na lang siya. Bakery Science nga pala ang next subject ko at classmate ko si Alex. Excited na siyang mag-bake.

***

"Okay, prepare your utensils and ingredients now."

Sabi ni Miss Alvarez, yung prof namin dito sa isang major subject namin. Inihanda ko na ang mga kailangan ko para makapag-start na ako. Iba kasi pakiramdam ko ngayon tapos medyo malayo pa si Alex sa akin. Napatingin ako sa pwesto niya. Magkaharapan kami pero may pagitan na isang table sa gitna namin.

'Are you okay?' she mouthed.

Tumango lang ako. Bakit kasi ngayon pa eh. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Pizza ang gagawin namin ngayon, madali lang sana kung may perpared dough na kaso we're going to make our own dough.

After mixing the ingredients I proceed to kneading. Ito ang problema ko ngayon, medyo pinagpapawisan na ako dahil nararamdaman ko na ang sakit ng puson ko. Napagawi ulit ang tingin ko kay Alex and by the looks of her, she's worried now. I smiled at her at nabawasan ang pag-aalala sa mukha niya.

Tiniis na lang niya ang sakit at ipinagpatuloy ang pagma-masa ng dough. Nang matapos ay nilapitan siya ng kaibigan.

"Hey, what's wrong?" Nag-aalalang tanong nito.

"First day ko." Nakangiwing sagot ko sa kanya.

"Kaya mo pa ba?" Tanong nito at bahagyang pinunasan ang pawis ko sa noo. "You're sweating, are you really okay?" She asked me worriedly.

"I'm fine, kaya ko pa naman."

"Just tell me, okay?" Bumalik na ito sa pwesto nito.

Bukod kay Kuya at kay Gio, alam din ni Alex ang tungkol dito. Nagkataon lang na dito ako sa school dinatnan at sa kamalas-malasan ay ngayon pa. Dati kasi, tuwing magkaka-red alert ako, eh nasa bahay ako. Hay, ang malas talaga ng araw na ito. Kaya pala tamad na tamad siya nitong mga nakaraang araw. Habang hinihintay nilang umalsa ang dough ay nagpaalam muna siya sa prof nila para pumunta ng comfort room.

Sana naman kayanin pa niya hanggang mamaya. malapit na rin namang matapos ang subject nila at lunch na pagkatapos. Bumalik na siya sa lab room nila. Medyo nanlalamig na siya sa pawis pero hindi niya ipinahalata. Sakto pagbalik niya nagre-ready na ang lahat for toppings. Medyo nagulat pa siya ng makitang na-portion na ang dough niya.

Tumingin siya kay Alex at ngumiti ito. She mouthed 'thank you' to her. Tumango lang ito at ipinagpatuloy na ang pagta-toppings. Sinimulan na rin niya ang paglalagay ng toppings habang kaya pa niya. Lumipas ang kalahati pang oras at natapos na sila. Nang naglalakad na sila ni Alex sa pathwalk ng building nila ay saglit na dumilim ang paningin niya. Napahawak siya dito.

"Hey, Ash. Kaya mo pa ba? Dalhin na kita sa clinic. Medyo malayo pa iyon, kaya mo pa bang maglakad?" Nag-aalalang tanong nito.

Tumango na lang siya kahit nagdidilim na ang paningin niya. Sobrang sakit talaga and I'm sure visible na ang kilabot sa katawan ko. Nanlalamig na rin ako sa pawis. Nanlambot na rin ang tuhod ko at tuluyan nang napayakap kay Alex.

"Ash!" Nagpa-panic na sigaw nito marahil ay nabigla sa pagyakap ko sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Alanganin akong ngumiti nang makita ko kung sino iyon.

Lihim siyang nagdiwang dahil hindi niya inaasahan na naroon ito at isa pa, hindi niya maipapakita ang sayang nararamdaman niya dahil nangingibabaw pa rin ang sakit ng puson niya. Panira talaga. Napatingin siya kay Alex na ngayon ay nawala ang pag-aalala at napalitan ng kilig. Nilakihan niya ito ng mata para patigilin at ang loka, nginitian lang ako ng wagas. Pero nagulat na lang kami pareho sa sunod na nangyari.

WTH!

Anyare sa isang to? Namalayan na lang niya, nasa clinic na sila.

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon