ASIA'S POV
Habang hinihintay namin ang nurse dito sa clinic ay tahimik naman akong naka-upo dito sa isa sa higaan. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Knowing him, no one dares to talk to him when he's busy. Hindi po siya namamansin.
Si Alex naman, heto sa gilid ng higaan at wagas pa rin makangiti. Sige pa rin siya sa pagsundot sa braso ko habang kinikilig. Tsk tsk, malala na talaga ang isang ito. Sinundot na naman niya ako. I glared at her but she just pouted her lips. Napailing na lang ako.
"Here. Nakialam na ako, tagal ni Nurse Joy eh. Para maibsan naman ang sakit ng puson mo. Tsk. Move a little."
Kinuha ko ang hot compress sa kanya at inilagay sa bandang puson ko bago ako umusod ng konti. 'Know what he did? As always, he just tied my hair up. Opo, marunong po siya niyan. Ako ba naman ang gawing praktisan eh.
But that's one of the thing I admire about about him. Sobra siyang maalaga. Swerte ng magiging girlfriend nito. Pero, naiinis pa rin ako sa kanya. Sinira niya ang moment ko kanina. Bigla ko tuloy nahampas.
"Aray! Bakit ba?"
"Ikaw kasi!"
"What did I do?"
Sinimangutan ko siya. Sasabihin ko ba? Napatingin ako kay Alex nang impit itong tumawa.
"Hoy, ikaw. Tinatawa mo diyan? Bakit hindi ka pa nagla-lunch?"
"Hinihintay ka?"
"Ako?"
Tanong ko sa kanya dahil hindi naman po siya sa akin nakatingin kundi kay Gio. Ano ba yan, kawawa naman ako sa dalawang ito, parehong baliw.
"Sorry Alex, pero hindi muna makakasabay si Asia sayo. Go, take your lunch now. Thank you for taking care of her earlier."
"Ah, okay. Pero hindi naman ako ang bumuhat diyan kanina, eh. Anyway, bye Ash!" She winked at me before she turned to Gio.
"Bye rin Gio."
Then she ran out. Alex talaga. Speaking of bumuhat sa akin kanina, bumalik na naman ang inis ko.
"Ikaw! Panira ka ng moment ko kanina!"
Sigaw ko habang nakaduro sa kanya pero pinalis niya lang iyon. Ayaw niya kasing ginagawa ko iyon dahil insulting act daw iyon. Minsan nga, sabi niya kakagatin niya daw ang daliri ko eh.
"Ano na naman ba?"
Maang-maangan pa. "You just ruined my moment earlier. Nandoon na eh kaso dumating ka lang at ninakaw ako sa kanya."
"Tsk, para iyon lang? Lakas tama ka talaga doon, 'no?"
"Alam mo naman na crush ko siya eh."
Tumagilid ako ng higa para hindi niya makita na nakanguso ako.
"hbvfgvvdi mo kcfg aghhhvvggbh ako."
I turned to him puzzled. Wrong move kasi seryoso ang mukha niya. Sa hindi ko naintindihan yung sinabi niya, eh. Pabulong lang kasi. Yung word na 'ako' lang ang naintindihan ko.
"Wait here, Hanap lang ako ng pwedeng mag-asist sayo dito."
I left confused. Ano ba yung sinabi niya? Napailing na lang ako. Bahala na nga siya. Naalala ko bigla yung itsura ni crush. Grabe, he's so adorable with those shocked expression. Napangiti siya. And because of that, unti-unti nang nababawasan ang sakit ng puson niya.
Maya-maya ay dumating na si Gio kasunod ang taong mag-aasist sa amin. Kinusot ko ang mata ko para masigurado kong hindi ako namamalik-mata. At hindi talaga. Bigla akong napangiti. Opo, sobrang saya ko dahil ang kasama po niya ay ang crush ko. Gusto kong tumalon, tumalon...Napapakanta tuloy ako sa isip ko habang nakangiti ng wagas kay Gio and I saw him smiled a bit. Hayaan na nga.
"Ah, take this. Pain reliever lang ang nakita ko dito. Wala kasi si Nurse Joy eh. May assembly pa naman ang mga first aider member together with the safety manager ngayon kaya ako muna ang in-charge ngayon."
Isa pala siya sa mga first aider ng campus pero bakit hindi ko alam iyon? Kaya ba karamihan sa mga babae dito sa school ay willing masugatan?
"Kanina pa ba kayo dito?"
Hindi ako makasagot kaya bumaling siya kay Gio. Sayang, where's my tounge? Nakita kong napangisi sa akin si Gio pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ah, medyo. Nakialam na lang ako kasi walang tao kanina."
Inginuso nito ang compress na hawak ko at napatingin din si crush dito. Medyo namula ako nang mapatingin ito sa akin.
"Are you okay?"
"Yeah, she is."
Tumango lang ako kasabay ng sagot ni Gio. Napatingin ako sa kanya. Serious mode na naman pero ngumisi ulit ito.
Tsk.
"By the way, Giordan Vasquez, right?"
Baling ni crush kay Gio. Kilala siya ni crush? *insert light bulb here* Tumango lang ito.
"I heard that you know how to do first aid. You can cooperate and be a member of safety org. If you are interested lang naman."
"I'll think about it." He answered him then he turned to me. "Feeling better?"
Napatango na lang ako. Nabigla ako nung tumingin din si crush eh. Ano ba yan.
"Let's go. Kain na tayo, gutom na rin ako, eh. Baka abutan pa natin si Alex doon. Ge, dude una na kami."
Inalalayan niya akong bumaba at nagpahila na lang. Nakita ko pa ang pag-ngiti sa akin ni crush bago kami makalabas ng clinic.
Hay, I'm in a cloud nine...
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
General FictionShe is Natasia Villafuente to everyone. She was called by her bestfriend Alex 'Ash' and 'Asia' by her bestfriend Gio. But she's her brother's 'Baby'. Sila lang ang pinayagan niyang tumawag sa kanya ng ganyan. She has everything in her life pero hind...