Malawakang pag-uusap tungkol sa "LOVE"
Student: Ano po ang love?
Teacher: Ang love, pwedeng maramdaman yan sa lahat. Hindi lang yan para sa isang tao o sa dalawa. Pero ang LOVE pagdating sa LOVELIFE ibang usapan na yan.
Student: Paano po nagiging iba.
Teacher: Sa panahon ngayon, pati Grade 3 nagkakaBF/GF na, nag-uumpisa na silang umiyak dahil daw masakit. Yung iba naman natututo ng lumandi.
Student: Bakit ganun?
Teacher: Iba ang Crush sa love pero madalas, dito tayo nagkakatalo. Pag sinabing crush, paghanga lang yan pero masyado nating ineexaggerate ang ibig sabihin nito kaya pakiramdam mo love mo siya as in Inlove ka.
Student: Eh bakit po pag nakikita ko yung crush ko, bumibilis yung tibok ng puso ko?
Teacher: Kasi nga masyadong naeexcite yung utak mo kaya hindi nito nakakayanan yung kakaibang feeling kaya bumibilis ang tibok ng puso.
Student: Eh paano po masasabing inlove ka?
Teacher: Pag nagagawa mo na yung mga bagay na hindi mo ineexpect na magagawa mo.
Student: Ganyan po ako sa BF/GF ko, minsan nga lang masakit na.
Teacher: Pero magkaiba ito sa pagiging desperado.
Student: Bakit po maraming naghihiwalay?
Teacher: Kasi karamihan ngayon pag nasaktan na, ayaw na. suko na!
Student: Mali ba yun?
Teacher: Pag nagmahal ka, dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari. Ang masaktan, natural lang yan! Kaakibat na yan ng pagmamahal. Kung saan siya masaya, dapat maging masaya ka pero dapat alam mo kung paano ito ilugar. Acceptance kasi yan e.
Student: Kahit po mali na, dapat tanggapin ko?
Teacher: Hindi naman sa lahat ng bagay, kaya nga dapat alam mo kung saan lulugar diba? Kasi kung talagang mahal mo yung isang tao dapat ilalayo mo siya sa ikasasama niya. Hindi yung sasakyan mo pa yung trip niya kahit na alam mong mali na dahil lang masaya ka/siya/kayo.
galing nung teacher . :)
BINABASA MO ANG
How True???
RandomIto po ay mga facts tungkol sa mga bagay-bagay na gusto niyong malaman. © 2013