Paano malalaman kung plastic ang isang tao?

1.8K 21 0
                                    

Paano malalaman kung plastic ang isang tao?

Pati ako hindi ko alam paano ito ipapaliwanag. Kasi nalalaman lang natin ang plastic na tao kapag nakikita mo ito sa ibang tao. Ibig kong sabihin kapag may taong pumaplastic sa kaibigan mo.

Mahirap kasing hulaan kung pinaplastic ka lang ng taong kausap mo. Siguro ang ilang sensyales lang ay 

a) Yung ngiti na binibigay niya sayo na ibang iba sa binibigay ng mga kaibigan mong totoo sayo.

b) Ilang na ilang ka makipagusap sa kanya, kasi pakiramdam mong may sasabihin siya.

c) Ibang iba ang aura na dating niya sayo.

d) Minsan makikita mong nakatingin sayo na kausap ang ibang tao.

e) Mahirap talaga, mga senyales lang rin, huwag ka rin mamintang masyado, makakasakit yun sa taong totoo pala sayo. Tamang pakiramdaman lang ang gawin mo.

Ito ay isang opinyon lamang. Kung iyong mamasamain, inaalis mo ang karapatan kong maglahad ng aking saloobin.

How True???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon