Unang araw ng klase ko sa bago kong papasukang school at isang salita lang ang masasabi ko---Boring.
Napaka boring ng school na 'to.
Sa gate palang ay makikita mo na ang mga estudyante na nagmamadali sa paglalakad para di ma late sa mga klase nila. Hindi lang ata 'to ang gate ng university na 'to pero una kong madadaanan 'to galing sa nirerentahan kong apartment kaya dito nalang ako pumasok.
Malaki.
Napakalaki ng eskwelahang ito. Kulang yata ang isang araw para malibot ko ito.
"Ano ba miss! Tabe!" Rinig kong singhal ng naka bike na lalaki sa muntik na niyang mabangga na babae.
Napaka lalaking tao, masyadong matirling ang boses. Tsk.
"Omg~ Nakita mo ba siya Bes?"
"Yup, ang gwapo niya kahit mukhang hindi pa siya nakakapag suklay. Omo~"
Tsk. Ano ba naman tong mga estudyanteng 'to? Daig pa mga fangirl, di naman ganoon ka gwapo 'yung lalaking 'yon.
"A-aw." Napatingin ako sa mga librong nahulog sa may paanan ko. "S-sorry po, miss. Hindi ko s-sinasadya." Nakayukong sabi ng isang babae.
Tsk. Lampa.
"Ayus lang." Sabi ko sakanya habang natataranta siya sa pagpulot ng mga libro niya. Pinulot ko yung isang parang brown na notebook at iniabot sakanya.
"Salamat po." Tsaka nanaman siya yumuko at nagmadaling umalis.
Ano ba naman mga tao dito? Nag kalat ang mga nerd. Tsk. Tsk.
Napatingin ako sa relos ko. 7:45 a.m na at alas otso ang klase ko. Nagpalinga linga ako ng tingin at lumapit sa isang gwardya.
"Mister, alam niyo ho ba kung saan ang building na ito?" Tanong ko sakanya sabay abot ng papel na hawak ko.
"Naku ineng! Doon pa to sa may Main Gate, dapat ay doon ka nalang sa Main Gate dumaan para di kana mapagod maglakad. Naku nga naman oh,yan ang mahihirap sa mga transferee e hindi pa kabisado---"
Inagaw ko sakanya ang papel na ikinagulat naman niya. "Salamat ho." At nagsimula na akong maglakad.
Isang tanong, 'kay dami pang satsat! Kung di lang gwardya ang isang 'yon, nasapak ko na. Psh.
BINABASA MO ANG
Nothing Last Forever
Teen FictionSiguro nga ay tama sila. Walang permanente sa mundong ito. Kahit gaano man ka-simple ang isang bagay o gaano man ito ka-gara ay mawawala pa din ito sayo. Pero ang nakakatakot ay hindi lang bagay ang maaaring mawala sayo--kung hindi pati ang taong ma...