JANA's POV
"Masaya ako na nagiging okay kana, Jana." Nakangiti niyang sabi saakin.
"D-Drew? Nandito ka?"
"Oo, Jana. Nandito ako, gusto kong malaman mong masaya ako para sa'yo."
"Anong ibig mong sabihin, Drew?"
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Masaya akong bumabalik kana sa dati, Jana. Sana ay.. subukan mo ulit, subukan mong mag mahal ulit."
"A-ano bang sinasabi mo Drew? H-hindi ko magagawa yun, alam mo namang i-ikaw lang ang mahal ko diba?"
"Alam ko yun, pero alalahanin mo yung pangako mo saakin noon ha? Mahal na mahal kita Jana, paalam na."
"D-Drew.." bigla kong naimulat ang mga mata ko. Umaga na pala. Pinunasan ko ang basa sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag siya ang napapaniginipan ko.
"Miss na kita, mahal."
Tumayo ako sa higaan at inayos ang buhok ko. Kumuha ako ng tubig at uminom.
"Ang hirap magising sa umaga na umaasang bumalik ka, kahit na alam kong napaka imposible ng mangyari 'yon."
Haaaay. Hindi ko na dapat iniisip pa mga 'to. Nangako ako sakan'yang magiging masaya ako.
Pero paano?
"Paano ako magiging masaya kung wala na saakin ang taong mahal ko?"
Alas syete na ng umaga. Naligo nako't nagbihis ng uniporme namin. Lumabas na ako ng bahay at nilock ko ito. Tinatanaw ko si Lola d'yan sa tapat bahay pero wala siya, naka sarado ang pintuan---
BINABASA MO ANG
Nothing Last Forever
Teen FictionSiguro nga ay tama sila. Walang permanente sa mundong ito. Kahit gaano man ka-simple ang isang bagay o gaano man ito ka-gara ay mawawala pa din ito sayo. Pero ang nakakatakot ay hindi lang bagay ang maaaring mawala sayo--kung hindi pati ang taong ma...