Mabilis lumipas ang oras, ngayon ay lunch break na namin. Inayos ko ang gamit ko at napansin kong nakatitig saakin si Ken. "Anong problema mo?"
"Sungit mo naman. Hahahaha! Dalian mo diyan, mag lalunch na tayo."
"Alam kong lunch break na, pero di ko alam na magsasabay tayo." Bigla nanaman siyang tumawa at napahawak sa batok niya.
"Tara na Miss Sungit, wag ka ng madaming sabat. Hahahahahaha!"
Wala na akong magawa kung hindi sumabay nalang sakanya. Pero ayos na din naman ito, hindi ko na kailangan pang humanap ng kaibigan na makakasama.
"Bakit ganon sa section natin? Masyadong magulo." Pag bubukas ko ng usapan sakanya. Natigilan siya ng bahagya at tsaka ginuloang buhok ko.
Aish. Wag 'yang kilos na yan! Si Drew lang ang nagawa niyan saakin. Tsk.
"Masyadong mahaba ang storyang tinanong mo, Jana." Nakangiti niyang saad. "Mas maganda na din na di mo alam." Biglang seryoso niyang sabi.
"Hayaan mo na sige. Di naman ako ganon ka interesado tungkol doon, na weirduhan lang ako sa mga kaklase natin."
"Speaking of magulo ba? Ayan... si Prince! Hahahahaha" napanguso pang sabi ni Ken. Tinignan ko naman si Prince na masama ang tingin saamin habang yung dalawang kasama niya ay palingon lingon lang saamin.
"Mukha siyang ewan. Ang samang tumitig. Tsk." Bigla namang natawa si Ken sa sinabi ko.
Masyado naman masayahin ang isang to >____<
"Hindi ka ba naggwapuhan sakanya?"
"Gwapo siya."
"Hmm.. Ikaw palang yata yung nakilala kong babae na naggwapuhan sakaniya pero di siya kinababaliwan. Hahahaha."
Napaisip naman ako bigla. "Dapat bang kabaliwan agad pag nagagwapuhan ka?"
"Hindi naman, pero ganoon ang nakasanayan ko sa mga babae dito e. Hahahaha"
BINABASA MO ANG
Nothing Last Forever
Teen FictionSiguro nga ay tama sila. Walang permanente sa mundong ito. Kahit gaano man ka-simple ang isang bagay o gaano man ito ka-gara ay mawawala pa din ito sayo. Pero ang nakakatakot ay hindi lang bagay ang maaaring mawala sayo--kung hindi pati ang taong ma...