Kabanata I

3.6K 51 2
                                    

Iyak ni Chaziel ang unang bumungad sakin pagkagising ko tanghali narin naman. kauuwi ko lang kaninang madaling araw . Sa kadahilanang napatagal kasi ako sa isa kong Costumer.

"Hoy Charity bayadan moko sa pagbabantay dyan sa anak mo ha! Ang kulit kulit!"natatawang kinuha ko si Chaziel sa kaibigan kong Si Louisa. Tumigil din naman ito sa kakaiyak.

Humalik ako sa pisngi ni Chaziel ang bango bango at ang cute cute ng Baby ko ang Ganda pa.

Magkamukhang magkamukha talaga silang dalawa ng Daddy nya.

Napailing ako ng maalala yung nangyari kagabi si Zeke nagkita na kaming muli.

"oy babae bakit natigilan ka?"napalingon ako kay Louisa na nakataas pa ang isang kilay sakin.

"Yung Daddy kasi ni Chaziel "nanlaki ang mata ni Louisa sa sinabi ko.

"Ano yun? Nagkita na kayo uli?"I nod at kinuwento sakanya lahat detail by detail.

"grabe naman sya sa mga kagaya natin cha! Tao parin naman tayo!"nginitian ko nalang si Louisa kagaya ko ay isa rin syang prostitute.
Hati kami sa pangungupahan sa isang apartment at sya nalang ang tangi kong nakakasama ngayon.

Dahil wala na si Mama at Papa.

Tinutulungan nya kaming mabuhay ng anak ko..

"yungkot mimmy?"tanong ni Chaziel sakin kaya bigla akong napangiti.

"Hindi malulungkot si Mommy kasi nandyan si Baby Chaziel!"hinalikan ko ang tiyan ng anak.ko kaya nakiliti sya at tawa ng tawa .

"Diba may Lakad ka pa?"tanong sakin ni Louisa kaya tumango ako naalala kong may pupuntahan pala kong dating kaibigan ngayon.

"osige na puntahan mo na iwan mo nalang si Chaziel dito ah?"Tumango ako at dumiretso kaagad sa banyo para makaligo na.

Im so excited to see him..

Nagpaalam muna ako kay Baby Chaziel at humalik.

Nagpunta ko sa Meeting Place na sinabi sakin ng taong kachat ko sa Fb.

Yung Place na madalas naming tambayan .

Pumunta ko sa tapat ng Horror House na tinatawag ng iba pero para samin Ay Happy House.

Luminga linga ko sa paligid para makita ang isang lalakeng chinito na napakatangkad ang may hawak ng.Bulaklak at nakatakip sa mukha.

"Seven!!!"sigaw ko at nagmamadaling tumakbo papalapit sakanya . Tinanggal nya ang pagkakatakip sa mukha at ngumiti sakin.

Kagaya parin ng dati Gwapo parin sya. Pero mas nadidefine na ang mga muscle sa katawan nya.

pinaghiwalay nya ang dalawa nyang Braso Welcoming me for a warm Hug kaya niyakap ko naman sya.

"wow, Charita gumanda ka ah!"he laughed tsaka ibinigay yung bulaklak sakin.

"Grabe parang sinabi mong ang panget ko dati"umirap ako at kinurot sya.

"Sayo na nang galing"natatawang napairap ulit ako.

"Oh flowers, labag sa loob yan"kinuha ko yung bulaklak tsaka pinaghahampas sakanya.

"Oy mahal yan ah"Natatawang sabi nya pero pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko I really Miss him.

"kumusta pala cha?"tanong ni Seven
Napagpasyahan naming kumain dito malapit sa karinderya na madalas naming kainan noon.

"maganda padin"tumawa ako pero hindi nakangiti si Seven.

"How are you Cha? Yung baby , bakit nagtago ka? Alam na ba ni Z--" Pinatigil ko na sya sa sasabihin nya.

Inlove With a G.R.O  ( #Wattys2016 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon