January 7
Tuesday
FOR HER,
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Hindi ko alam kung bakit kita sinusulatan, ay mali, dapat pala ganito... hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat tungkol sayo. Takte! hindi ko naman na siguro kailangan mag-explain.
Basta kahapon, nagkasabay tayo sa tricycle nung papasok ng school. First time kitang nakita sa 4 na taon kong pag-aaral sa isasang school na pinapasukan natin. Siguro transferee ka this year kaya ngayon lang kita napansin. Or pwede ring---- hindi ko alam. Kasi nga hindi kita kilala.
At kanina, nagkasabay na naman tayo. Kung kahapon magkatabi sayo loob, kanina naman nasa back ride tayo. Tapos amoy na amoy ko 'yung pabango mo. Bading man pakinggan, pero nagustuhan ko yung scent. Hindi masyadong matapang pero hindi rin naman masyadong sweet yung amoy. Teka nga, bakit ko ba ine-explain pati amoy ng pabango mo? Basta mabango, tapos!
Pagod na ko magsulat. Kaya ititigil ko na kung ano man 'tong pinag-gagagawa ko. Maglo-LOL na lang ako.
Miguel
BINABASA MO ANG
The Hearttrob's Diary
FanfictionHe wrote all his thoughts and feelings for the girl he doesn't know. All in his journal.