TWO

25 1 0
                                    

January 10

Friday

FOR HER,

Droga ba 'yang pabango mo? Kasi unti-unti na akong naaadik sa amoy. Havey no? Hahahaha! Sus, alam ko na 'yun!

Pero ito na naman ako... nagsususlat. Peste kasi 'yung ka-tropa ko, regaluhan ba naman ako nitong journal na 'to nung nabunot nya ko sa monito monita namin nung Christmas party. Tuwang-tuwa pa ang mga mokong sa itsura ko nung binuksan at nakita ko 'yung regalo nya. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ko sa bagay na 'to. Tapos sabi nya wala daw siyang maisip na ibibigay kaya dinampot nya na lang 'to sa National Book Store para may maibalot.

Edi kung hindi nya sana ako niregaluhan ng bagay na'to, hindi sana ako nag-susulat kasi wala akong journal na masusulatan. Kaya kasalanan nya talaga 'to! Mabatukan nga bukas. Eh? wala nga palang pasok bukas. sa lunes na nga lang.

Teka, nasan na nga ba ko? Ah ayun nga... nagkatabi na naman tayo kanina, tapos hindi kalakihan 'yung tricycle kaya masikip. Walang gumagalaw ni-isa satin. Kaya tangna, pawis na pawis ako pagbaba! Pagtingin ko sayo, pawis na pawis ka rin.

Tama na nga, nakakaantok. Matutulog na ko.

Miguel

The Hearttrob's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon