January 13
Monday
FOR HER.
Malutong-lutong na batok ang sinalubong ko kay Ethan kanina. Si Ethan 'yung ka-tropa ko na nagbigay nitong journal. Nagulat pa nga ata 'yung loko. Hahahaha! Laptrip 'yung pagmumukha eh.
Akala ko hindi kita makikita ngayong araw. Rero akala ko lang pala 'yun. Kasi pagdating ko sa sakayan ng tricycle nung uwian na, nandon ka.
May mga kasama ka at may pinag-uusapan kayo pero hindi ko marinig kasi malayo-layo sa inyo yung pwesto ko. Basta nakikita kitang tumatawa. May dumating na babae at pagkatapos ay sumakay na kayo...
Nasa backride 'yung dalawang babae na kasabay mo at sa loob ka kasama ang lalaking nakahawak sa kamay mo.
Miguel

BINABASA MO ANG
The Hearttrob's Diary
FanfictionHe wrote all his thoughts and feelings for the girl he doesn't know. All in his journal.