Prinsipe Jose - anak nina Don Pedro at Prinsesa Leonora. Matapang at makisig. Mahilig siyang maglakbay sa iba-ibang lugar kaya hindi mapigilan ni Leonora na mag-alala sa kaniya.
Prinsipe Simon - anak nina Don Diego at Prinsesa Juana. Siya siguro ang pinaka(gwapo) sa kanilang magpipinsan, sa pagkaka-imagine ko. Magalang, masunurin at matapang din siya. Mapakumbaba at tahimik din siya. Madalas siyang nasa loob ng palasyo nila at nagpipinta lamang.
Prinsipe Mateo - anak nina Don Juan at Maria Blanca. Katulad ni Don Juan ay maginoo, magalang at masunurin siya. (Medyo chickboy din tulad ng kaniyang ama) Namana niya ang kapangyarihan ng kaniyang Lolo na Mahika Negra ngunit hindi niya ito madalas ginagamit.
Prinsesa Ayesa - ang panganay na anak ni Haring Solomon at isa sa mga prinsesa ng Kaharian ng Diamanteng Tago. Madalas siyang nasa hardin dahil na rin sa malapit siya sa kalikasan.
Prinsesa Angela - ang pangalawang anak ni Haring Solomon at prinsesa rin sa Kaharian ng Diamanteng Tago. Mahilig siyang magbasa ng mga libro. Siya siguro ang pinakamatalino sa kanilang magkakapatid. Madalas siyang nasa kwarto niya at hindi masyadong lumalabas ng palasyo.
Prinsesa Anna - ang bunsong prinsesa ng Kaharian ng Diamanteng Tago. Minsan, mas ginugusto niyang maging ordinaryong mamamayan na lang kaysa maging isang prinsesa. Sa tingin niya, mas marami siyang magagawa kung gano'n.
Haring Solomon - ang ama nina Ayesa, Angela at Anna at hari ng Diamanteng Tago. Siya ang uri ng ama na masyadong nag-aalala sa mga anak. Hindi na siya makapakali 'pag may isa sa kanilang wala pa at gabi na. Isa rin siyang matapang at malakas na mandirigma.
Kai- ang matalik na kaibigan ni Prinsipe Mateo mula pagkabata at anak ng isang kawal at kasambahay sa palasyo. Pero mas higit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Mateo. Hindi lang niya masabi-sabi dahil rin sa baka masira ang pagkakaibigan nila. Mayroon din siyang isang malaking sikreto tungkol sa kaniyang pagkatao.

BINABASA MO ANG
IBONG ADARNA 2
FanfictionA/N: Dahil sa pagkabitin sa Ibong Adarna na kwento, naisip ko 'tong gawin. Ang alam ko, gagawa rin yung dalawa kong kaklase ng FanFics nila, kung may oras daw. Ilalagay ko din ang quick recap ng kwentong 'to. Nalaman na natin ang kwento nina Don Ped...