Oo. Ampalaya lagi kong ulam. Masarap na masustansya pa. Pero bakit parang pati sa pagmamahal nagiging mapait na ako.Dalawang taon na simulang naging ampalaya ako. Hindi literal na ampalaya ha. Dalawang taon na ko single. Dalawang taon na pero hindi parin maka move on. Bakit nga ba?
Eh. Ikaw ba naman iwan sa ere ng mahal mo ng walang dahilan, hindi ka ba masasaktan. Yung mamamatay kanalang kakaisip kung bakit ka niya iniwan? Hindi kana makatulog kakaisip ng dahilan. Bakit? Bakit nga ba?At hanggang ngayon, tinatanong ko parin sa sarili ko kung bakit mo ako iniwan? :(
Naalala ko nun tayo pa. Sobrang saya natin. Halos araw araw tayo magkasama. Sabay umuwi, kumain ng fishball sa kanto, magsimba tuwing linggo. Sabi mo pa nga sakin, pag nakapag tapos na ko sa pag aaral, papakasalan mo na ako. Ay. Grabe. Sino ba hindi kikiligin dun? Lalo na sa taong mahal mo nang galing. Cloud nine ang feeling. Parang gusto ko na umakyat sa stage at kunin ang diploma, para lang sabihin na pwede na tayo magpakasal.
Nung natanggap kana sa trabaho mo, as a call center agent. Sobrang saya mo nung araw na yun. Nilibre mo pa nga ako ng fishball at manggo shake, na may pa take out pa na burger. Sa sobrang busog natin, ibinigay mo nalang yung burger sa street children.
BINABASA MO ANG
Bitter Much
Short StoryIts all about bitterness in life especially in love. Walang forever!