Chapter One (Unedited)

8.2K 132 13
                                    


WALA na ang masayang pamilya na naninirahan noon sa bahay na kinalakihan ni Denise sa Makati. Isang taon noong nasunog ang branch office ng ahensiya ng papa niya sa Pampangga, kung saan kasama ang papa niya sa natupok ng apoy, namatay din ang mama niya dahil sa sakit sa puso. Pero hanggang ngayon ay hindi siya naniniwala na aksidente ang pagkasunog ng opisina ng papa niya. Nagkataon kasi noon na may nakalimutang gamit ang papa niya pero hindi na nakalabas dahil sa sunog.

Nag-aral siya ng secretarial management sa unibersidad ng Davao, pagkatapos niyang makapagtapos sa kursong Bs Criminology at nakapag-board. Doon na siya lumaki sa pangangalaga ng tiyahin niya. Kahit hindi niya tunay na ama ang papa niya ay itinuring siya nitong tunay na anak. Anak siya ng mama niya sa unang asawa at kasalukuyan niyang dala ang apilyedo ng totoong ama.

Kinabukasan ay itinuloy ni Denise ang plano na mag-apply sa dating ahensiya ng papa niya na Lion-Heart Investigation agency na ngayon. Nakita kasi niya kahapon na hiring ng secretarya ang naturang ahensiya. Hindi niya isinama sa background niya ang unang kurso na natapos niya. May isang taon naman siyang karanasan sa parehong posisyon at sa isang task force agency rin. Mukhang kailangan talaga ng ahensiya ng secretary dahil dalawang aral pa lamang makalipas na nagpasa siya ng resume ay tinawagan na kaagad siya at pinapa-report sa main office, doon din sa Makati.

Excited na siyang makaapak ulit sa dating kompanya ng papa niya. Pero hindi niya maiwasan ang kaba habang hinihintay niya na tawagin ang pangalan niya para sa interview. Hindi lang pala siya ang aplikante sa nasabing posisyon. Medyo dehado siya na siya ang mapipili dahil nabilang niya, labin-lima sila na panay babae at magaganda halos. Kung ganda ang kailangan ng may-ari, medyo nag-aalangan siya. Ang iba kasi sa kasama niya ay puwede nang panlaban sa Miss Universe pageant.

Nang tawagin na ang pangalan niya ay dumalas pa ang kabog ng dibdib niya. Panay ang buntong hininga niya habang papalapit siya sa pintuan ng manager's office. Pagbukas niya ng pinto ay awtomatiko siyang napatingin sa lalaking nakatayo at nakatalikod sa kanya. Suot nito'y itim na amerikana. Malapad ang likod nito, siguro nasa anim na talampakan ang tanaas nito. Matikas ang tindig nito at ang buhok ay bagong gupit na barber cut.

"Good morning, Sir!" bati niya sa lalaki.

Pagpihit nito paharap sa kanya ay ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang mapamilyar ang hilatsa ng pagmumukha nito. Sandali niyang binalikan ang ilang hibla ng nakaraan noong high school pa siya. Ang alam niya may naging manliligaw siya noon na pinakaguwapong mag-aaral sa fourth year, habang siya'y third year noon.

"Hi! Ikaw pala talaga, akala ko kapangalan mo lang," nakangiting bungad sa kanya ng lalaki.

Napalunok siya. Tama, ito nga ang makulit niyang manliligaw noon na nagpupumilit palagi na ihatid siya sa bahay nila at pinapadalhan siya ng meryenda sa klase nila. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ang campus heartthrob ay isa na ngayong hunk, lalong pang gumuwapo at lumakas ang sex appeal nito. Nagaka-crush siya rito noon pero natatakot siyang sagutin ito dahil una, ayaw siyang payagan ng mama niya na magkanobyo, pangalawa, kakantiin siya ng mga babaing naghahabol rito.

"Maupo ka, Ms. Martin," pagkuwa'y sabi nito.

Umupo naman siya sa silya'ng katapat ng office table nito. Naiilang siyang titigan ito sa mga mata. Hindi pa rin humuhupa ang kaba niya. Umupo na rin ito at binuklat ang resume niya.

"Nakakatuwa, sinong mag-aakala na darating ang araw na ito na magtatrabaho ka sa kompanyang pinapalakad ko," sabi ni Alejandro habang maya't-maya ang sipat sa kanya.

"Hindi pa naman ako opisyal na employed sa kompanya mo," kaswal na sabi niya.

"But you're hired. You may start tomorrow," anito.

Intense Encounter (Published by Bookware-MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon