Unang beses kitang nakasama. Yung tayong dalawa lang. Masaya kasi crush kita, noon pa. Dapat kinikilig ako ng bongga ngayon e, kung hindi lang mali yung lugar kung nasaan tayo ngayon.
Nakakatawa. Akala ko okay na ako. Pero mali nanaman ako.
Ganito naman lagi diba? Yung akala ko okay na ako tapos biglang may mangyayaring isang bagay na magpapaalala nanaman sakin ng tungkol sa ... kanya.
Una kitang nasolo sa isang lugar kung saan unang naging kami. How ironic. Nananadya yata talaga ang tadhana, kung meron man nun. Pinadalhan niya ako ng lalaking pwedeng magustuhan at mahalin pero dun naman sa lugar kung saan lahat ng bagay patungkol saming dalawa ay nakamarka. Kung saan nagsimula ang laro na kalaunan ay naging totohanan. At kung saan ang mga alaala ng lugar na to ay mananatili sakin o saamin magpakailanman.
Kinikilig ako sa tuwing may magsasabi satin na mukha raw tayong magboyfriend-girlfriend. Pero at the end of the day, naiisip ko din na .. di ba dun din kami nagsimula? Sa pagpapanggap bilang magboyfriend at girlfriend? Ang pinagkaiba lang ..
Inadmit namin nun na kami.
Samantalang yung ngayon ay inisip lang ng mga tao sa paligid natin.That guilty feeling na I cheat on him today kahit alam kong WALA NA KAMI?
BINABASA MO ANG
Rumored Boyfriend
Short StoryRandom Updates. No character names. Don't expect too much.