Swimming ng Barkadahan.
Aaminin kong kinikilig ako nung magkasama tayo sa pool, nagkukulitan at nag-aasaran. Lalo pa nung sinabi mong "Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nandito ngayon sa resort." Madalas ay di ako naniniwala sa tuwing sinasabi mo yan. Iniisip ko kasi, ilang babae ba ang sinabihan mo nyan, napaniwala at nahulog sayo ng tuluyan? Nakikita ko kasing natural na sayo ang pagiging bolero at lapitin ng mga babae. To think na alam kong sa tuwing kasama kita e halos patayin na ako sa tingin ng mga fangirls mo.
Okay na sana ang araw na to kung hindi ko lang pinakawalan ang isang linyang pinagsisihan ko ng sobra. Kung nag-isip lang sana muna ako bago nagsalita.
"Hindi ka kawalan!"
Paulit-ulit na kinakain ako ng konsensya ko. Hindi dapat. Hinayaan nalang sana kita sa pang-aasar mo. Dapat alam kong nagbibiro ka lang sa sinabi mong "Sige, hindi na kita papansinin kahit kailan." Naglalambing ka lang naman di ba? Kakasabi mo lang nun na ako ang pinakamalapit mong kaibigan sa ngayon. Dapat natuwa ako. Pero bakit ganun ? Bakit ko nasabi yun?
I'M SORRY. I'M SORRY.
Sana hindi mo seryosohin.Issues.
Alam kong mali na sayo ibuntong yung issues ko sa buhay. Pero that was an automatic response. I may sound defensive pero yun ang totoo.Lahat naman kayo dadaan lang sa buhay ko eh. Walang magsstay. Iiwan at iiwan niyo lang din naman ako kaya might as well push away those who tries to enter into my life, into my heart and into my system. Natatakot ako. Takot ako na baka paghinayaan ko ang sarili ko na muling makaramdam, maging mahina nanaman ako. Defense mechanism ko na ata ang maging manhid sa mga bagay na alam kong meron na pero pinipilit kong wag intindihin, wag pakinggan, wag maramdaman.
BINABASA MO ANG
Rumored Boyfriend
Cerita PendekRandom Updates. No character names. Don't expect too much.