Her POV
Andito ako ngayon.Naglalakad habang hinahanap hanap ko yung bahay na pagtatrabahuhan ko.Nakakapagod man pero pasalamat ko na din.Grabe ang swerte ko ngayong araw.Kung hindi dumating yung mabait na babaeng yun,malamang wala na akong matutuluyan ngayong araw at malamang nasa kalye na ako ngayon pagala gala kung saan saan.Buti na lang talaga.Ganto kasi yung nangyari...
FLASHBACK
"LUMAYAS KA NA DITO KEIZA!! NAKA-ILAN KA NA HA?!! LAGI NALANG MAGHAHANAP NG TRABAHO PERO WALANG NAGYAYARI?!! TAS ANO?! AKALA MO LIBRE KA NA LANG DITO?! PWES HINDI!" sabi ni Aleng Barbara sabay tapon ng gamit ko sakin.Natamaan pa ako sa noo ha.Tss kundi lang siya ang may-ari ng apartment na to papatulan ko na talaga siya. Hays
"Aleng Barbara,please po.Wala po akong matutuluyan.Please po Aleng.Please po.Kailangan ko lang po ng matutuluyan.Maghahanap po ako ng trabaho.Please po Aleng." sabi ko kay Aleng.Magmamakaawa talaga ako dahil ayokong matulog sa daan ngayong gabi.
"Hindi.Alis!Alis!" sabi sakin ni Aleng ng paulit ulit habang tinutulak ako palabas ng apartment niya. Naku! Pano na ko nito? Huhuhu. Naiiyak na ako.
"Aleng." sabi ko.Ngayon naiyak na talaga ako.Pano na ako ngayong gabi?
Matapos kung magstay ng ilang oras sa harapan ng kanyang apartment.Napagdesisyunan ko nang umalis. Naglakad lakad ako kung saan saan.Para bang wala akong utak ngayon.Wala ako sa sarili.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala uli ang mga luha ko.Di ko naman kasi alam na kaya pala akong palayasin ni Aleng,alam naman niya na mag-isa na lang ako e.Hays...
Pagod na din akong maglakad lakad at napagpasyahan kong umupo na lang muna sa bench.Naalala ko nanaman na wala na pala akong matutuyan.
"Ha-ha-ha.Ansaya ng buhay ko ah.Ganto na lang ba talaga ako?Nakakatawa naman." sarkastikong sambit ko.Pagtapos ay naluha nanaman ako.Ganun na lang ba ang babaw ng luha ko?Ngayong araw ay punong puno ata ako ng kadramahan.Napayuko na lamang ako.Nagiisip kung anong gagawin ko..
Nagulat na lamang ako ng may biglang tumabi sakin.Di ko na siya tinignan at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.Naramdaman ko ang kanyang mga palad sa aking balikat tila bang pinipigilan niya ako sa aking pag-alis.Dito na ako napatingin sa kanya at mas lalo pang dumoble ang gulat ko.Napakaganda ng babaeng nasa harap ko at nakikita kong mabait naman ito.Sumunod ako sa kanya at umupong muli.Saka niya ako tinanong.
"Iha,okay ka lang ba?Nakita kasi kitang umiiyak kaya nilapitan na kita.Sorry if I scared you for my action." Ultimo kanyang boses ay maganda.Halatang mayaman siya pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang pag-aalala.
"No Mam,Okay lang po.Nagulat lang po ako.Hahaha.Oo naman po Mam,okay lang po ako.Salamat po sa pag-aalala"with that I gave her my reassuring smile.Nakita ko na nawala ang pag-aalala sa kanyang mga mata bagkus ay napalitan ng sinserong mga mata.
"So,bakit ka pala umiiyak?Maybe I can help you?" sabi niya sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.Tila ba sa paguusap namin ay maituturing ko siyang ina.
"A-ano po kasi.Napalayas po ako sa apartment na tinitirhan ko po noon kasi po di na po ako nakakabayad.Wala po kasi akong trabaho na mapagkukuhaan ko po ng pambayad." sabi ko sa kanya.Pagtapos nun ay nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin siya sa akin.
"Perfect.I can help you with that.Just be the maid of my son and that solves your problem" Medyo gulat pa ako nung sinabi niya sa akin yan.Pero sino nga ba ako para tumanggi?And mukha pa namang bata si Mam e.Siguro ay bata ang aking babantayan.
"Thank you Mam!Owemjii!Hulog ka po ng langit sakin Mam!" pagsabi ko ay niyakap ko siya.Nagulat pa siya nung una kaya minabuti kong bumitaw pero mas ikinagulat ko ng bigla niya akong yakapin pabalik. Truly,she's my angel,my savior.
"And oh,just call me Tita Jane.I'll give you the address na lang ha?After this kasi may pupuntahan pa ako.I'll see you at the house ha? Bye" binigay niya sakin ang address ng bahay at pagtapos ay umalis na din.Bago pa siya tumalikod ay nagwave siya sakin.And for respect,nagwave na din ako.Muli kong hinarap ang papel na may address at buti na la g kabisado ko ang lugar dito.Mukhang mahaba habang lakaran to ah.
END OF FLASHBACK
Muli akong napangiti nung naalala ko ang kanina pero mas kinakabahan ako ngayon dahil first time kong trabaho ito.Paano kung di niya ako magustuhan?O kaya pano kung ayaw niya sakin and iutos na alisin ako sa trabaho? Ito talaga ang hirap kapag first time e.
Sa dami nang mga naiisip ko tungkol sa pagtatrabaho ko di ko namalayan na andito na pala ako.Pero ang kinagulat ko... Ang laki ng bahay or should I say Mansion.
Nagdodoorbell ako pero walamg sumasagot hanggang sa nakita ko na bukas pala yung gate.Nag-aalangan pa ako kung papasok ba ako pero sa huli ay napilitan na akong pumasok.Hanggang sa nakapasok na ako ng mansion at mula pinto hanggang sa dulo ng mansion ay napakaganda.Di ko maiwasang tignan ang mga ito lalo na ang mga tiles na may magagandang design at hula ko ay mahal ang mga ito pati na din ang chandeliers na mayroon sila... napakaganda.Naglibot libot ako hanggang sa may makita akong tao na nakatulog sa couch.
Lumapit ako at di ko naiwasang mamangha sa itsura niya.Napakagwapo niya,para siyang Korean Pop Star.Mula sa buhok na may kulay ng puti,sa ilong na matangos hanggang sa kutis nito na maputi parang snow.Napakagwapo niya talaga.Lumapit pa ako sa kanya ng konti para makita ko siya ng malapitan.Pero ang ikinagulat ko ay..."Are you finished examining me?"
------------------------
BINABASA MO ANG
Do I Have A Chance?
RomanceNagsimula naman ang lahat nung naging yaya niya ako e.Yes,Im his maid.Maid of Ashrei Delo Castillo,the hot young bachelor in town.Nung una akala ko mawawala rin ang pagkakacrush ko sa kanya.Crush lang naman e.Sino ba namang di magkakacrush sa kanya...