Kwatro

13 1 2
                                    

Keiza POV
  Napakaganda ng kwarto at napakalaki din. Ang wall nito ay  merong combination ng color white and black.Perfectly suited ito lalo na sa nakatira dito na si Sir Ashrei.

Speaking of him,narinig ko ang katok niya mula sa labas ng kwarto.Nagpapaalam siya sa akin na aalis lang daw muna siya and I nodded.Di na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko nag-init ang mukha ko.Pagkasara ko ng pinto,di ko napigilang ngumiti.E kasi naman e,kanina lang halos mamatay ako sa kakaisip kung anong gagawin ko dahil pinalayas na ako pero tignan mo nga naman ngayon may kasama akong Papable >>|||<<. Oo na,kung tinatanong niyo kung crush ko siya pwes OO! walang kokontra! Kasi naman,ang pogi niya talaga.Naalala ko nanaman yung kanina,yung tipong ang lapit ng mukha ko sa kanya!His eyes!His perfect nose,his kissable lips.ARRGGHHH!( opo kinikilig yan.>o<)

Anyways, ayun tama na ang landi Keiza! Hahaha. Ayun back to the room. Ang ganda talaga,alam niyo yung parang sa mga hotel? Ayun ganun! Tapos ang ganda din nung wardrobe na nandito. Owemjii,parang bahay ko na talaga siya! Hahahaha. Huh?! Kala mo Aleng Barbara ha? Di na ako babalik sa'yo! Tss.

Matapos kung mailagay lahat ng gamit ko,nilinis ko naman ang kwarto matapos.Siyempre,kailangan masanay na ako maglinis linis no.Yaya na kaya ako ^_^ Yaya ng kaforever ko na si Sir Ashrei! ^_^ HAHAHA! Charot!

Nakakapagod din pala maglinis at mag-ayos.Grabe para akong nagtrabaho ng walang tigil sa loob ng 2 araw. Ang sakit ng katawan ko pati ng ulo.Ansarap matulog. [/yawn; "Teka?! Anong oras na pala?!?" napabalikwas ako at agad na tumayo.Naghanap hanap ako ng orasan at DANG! Alas-sais na! Agad agad akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa kusina.Pero may malaki akong problema! Di ko alam kung saan ang kusina! Anlaki kasi ng bahay este ng Mansion niya!

Nagsimula ko nang hanapin ang kusina.Oo,tama kayo ng basa HINANAP KO PO.Kung saan saan ako napapadpad hanggang sa may nakita akong nagliliwanag! Ang lababo! Ang kitchen niya with complete materials and utensils! Juicecolored! Salamat! Huhuhu ~T_T~. Para akong baliw no? Naiyak ako sa tuwa dahil nahanap ko ang kitchen niya. Really Keiza? Hayys.Maluha luha pa ako nung tinignan ko yung refrigirator niya at napaWow ako. Andaming laman.Srsly andami e. 2 bote ng beer and guess what? Noodles in a cup. Seryoso!? Totoo ba to? O.O Someone as hunk as like him,eto lang ang pagkain ha? At kailan pa nauso na yung noodles ay ilalagay sa ref? Mamamalengke na nga lang ako. Tsk. Buti na lang may binigay na pera ang Mommy niya. Pagbalik ko na lang siya sisingilin para pambawi sa pera ko. *^▁^*

At sa awa ng Maykapal.Nakalabas din ako sa Mansion nang di naliligaw.Actually,ipagmamayabang ko na,kabisado ko na ang Mansion.HOHOHO Amazing right? Hahaha Charot!

Buti na lang at napakagala kong tao at alam ko na ang lugar na ito. Matiwasay ( A/N:hahaha lalim Keiza,di namin mareach) naman akong nakarating sa Supermarket.Naghila na din ako ng pushcart at nagsimula nang mamili.Inuna ko na ang mga vegetables,meat and fruits.Pagkatapos ay binilhan ko na din siya ng mga junk foods pero syempre meron din akong share dun.Pagkatapos ay tsaka na ko namili nang para sa akin tulad na lang ng mga toiletries at chocolates.

"Ayan,tapos na ako!" sabi ko at agad na pumila sa may counter.Medyo madami din ang nakapila kaya medyo natagalan din ako.Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa may poste.Magaala-syete na rin pala.Medyo natagalan nga ata ako sa paggogrocerie.

Andito na ako ngayon sa labas ng Supermarket.Mga ilang plastic din tong bitbit ko,mga lima tas mabibigat pa.Pero ang mas kinabibigat ng pakiramdam ko ngayon ay yung pera ko! Nawaldas lahat! Paano na ko neto ngayon? Di ako makasakay kasi nga wala akong pera.

Sa huli,napagdesisyunan ko na din na maglakad.Kahit medyo madilim na,carry lang.Makakarating din ako!  Habang naglalakad medyo kinakabahan ako.Kasi walang ilaw yung ibang dadaanan ko.Pero okay lang kaya ko to!

Naglalakad ako ng may mapansin ako anino mula sa likod ko. Tatlo sila at puro mga lalaki.Kaya mas lalo pa akong kinabahan.Naglakad ako ng mabilis kasi kinakabahan na talaga ako.Hanggang sa napansin ko na tumatakbo sila papunta sa akin,kaya tumakbo na din ako.

"Mama,Papa,Ashrei!Huhuhu tulungan niyo ako". sabi ko sa isip ko at tumakbo nang pagkabilis bilis.Di na alintana sa akin ang bigat ng mga dala ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may kamay sa kaliwang braso ko.Sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
-------------------------------
A/N: Hi mga Babes! Hahaha first A/N ko to. Sorry pabitin muna to.Sorry din medyo natagalan sa pagupdate.Di ko kasi alam kung dapat ko pa bang ituloy to or hindi na. Comment naman kayo pleaseu kung itutuloy ko pa ba to or hindi na.
Thank you pala sa mga nagbabasa.Sa mga nagvote din. Sa mga Silent Reader dyan. Alabyu. Hahahaha. So yun lang muna.And I hope,sana sagutin nyo yung tanong ko. Thanks. Mwamps.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do I Have A Chance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon