YUMI
Kanina pa ako dito sa bar kasama to'ng kapatid ko.
"Ghale, ang cheap mo naman pumili ng bar. Pwede ba yung medyo high-class naman?" mataray na sabi ko sa kapatid ko.
"Tsk. Ang arte mo. High-class naman toh eh sadyang bulag ka lang talaga." Cold niyang sabi sa'kin.
"Sino'ng bulag?"
"Ikaw." Tsk. Kahit kelan talaga to'ng kapatid ko.
"Sabunutan kita diyan eh."
"Sample nga." mapang-asar niyang sabi sa'kin.
"Baliw ka." Tumayo ako at nagpaalam na pupunta munang dancefloor.
Medyo lasing na din ako kaya wala ako sa wisyo na nagsasasayaw.
Naramdaman ko namang may biglang lumapit sa'kin pero binalewala ko lang yun.
Di pa ako nagpapakilala sa inyo.
Autumn Sayumi Kitagawa, kasalukuyang nag-aaral sa Queen Academy ako nga ang tinaguriang Bitch Queen dun eh. Tsk. Fourth Year High School na ako.Yung kasama ko naman kanina ay si Winter Ghale Kitagawa 2nd year high school Pareho kaming half-Japanese-- syempre magkapatid kami eh. Hobby ko na magpupunta sa mga bar-- every night pero palagi ko naman kasama yung kapatid ko.
Mabait ako sa mabait but if you'll show me your maldita side and the Bitch will show you one.
Nagulat ako ng may biglang humapit sa bewang ko.
Sinampal ko naman siya. Bigla niya kasi ako'ng halikan. Baliw toh kala mo naman kung sino.
"Fvck! Why did you slap me?" sigaw niya sa'kin habang naka-hawak siya sa kaliwang pisngi niyang namumula.
"Ba't mo naman ako hinalikan ha?"
"Bakit?! Gusto mo naman."
"ASA. Sa pangit mo'ng yan?"
"Hoy Gwapo ako." Giit niya.
"Hindi ako paasa kaya sasabihin ko sa'yo ang totoo. Totoong kwago yang pagmumukha mo at hindi gwapo."
"Tangna. Sino ka ba?"
"Autumn Sayumi, Bitch Queen ng Queen Academy."
"Tsk. Dwight Ross Boreas. Pinaka-gwapo sa basketball team. MVP ako sa Queen Academy."
"Bakit tinatanong ko ba? Pero in fairness bagay sa'yo ang apilyedo mo."
"Syempre ganiyan mga gwapo eh."
"Hindi naman kasi diba ibig sabihin ng Boreas North Wind? So ganun ka naman eh. ANG HANGIN MO'NG KWAGO KA." sigaw ko tsaka siya nilampasan.
Tiga- Queen Academy din pala siya ha? Tignan na'tin.
ROSS
"Ano ba'ng nangyari at ganiyan ka-galit yang aura mo?" tanong sa'kin ng isang kaibigan ko'ng ugok.
"Tangna. Sinampal ako nung 'Bitch Queen' daw ng Queen Academy." inis na sabi ko.
"Sino? Yung si Sayumi ba?"
"Ba't mo naman kilala?" takhang tanong ko. Ngayon ko lang kasi nakita yung babaeng yun eh.
"Siya nga yung tinaguriang 'Bitch Queen' diba? Malamang sikat yun." Ay pvta muntik ko ng makalimutang tsismoso nga pala to'ng ka teammate ko at bestfriend ko.
"Sino ba talag yun?"
"Kaibigan yun ni Reyxie diba magkaaway sila nung una? Pero ngayon naging mag-kaibigan naman sila."
"Ano naman kinalaman nung kaibigan niya?"
"Tanga! Sunga! Bobo! Ka! May-ari kay yun ng school na pinapasukan natin."
"Tss."
"May sasabihin din ako sa'yo. Si Sayumi diba siya yung Bitch Queen? Si Reyxie naman yung Queen at amy isa pa'ng babae nilang kaibigan uhmm-- Justine?--"
"Lalaki?"
"Hindi babae ayy si Maxxine pala yung Slow Queen."
"Tangna pare ang layo nung Justine sa Maxxine."
"Wala naman may naalala lang." sabi ni Jolander.
"First Love mo ba si Justine?"
"Pare masakit pa rin kasi eh. Dumating lang yung lalaki-- hindi pala bumalik lang yung lalaki iniwan na agad niya ako."
"Baliw ka Jolander ang OA mo. Tangna." I hissed.