Chapter 1

38 2 0
                                    

MADISON'S P.O.V

Konnichiwa! Ako nga pala si Madison Amethyst Young. MAY for short. Hindi ko alam kung bakit yan ang napili ng parents kong ipangalan sakin. Masyado kasing pang-rich. To the highest level ang dating! Or siguro kasi gusto lang talaga nilang mabuo ang acronym na MAY. 24th day of May kasi ako pinanganak. HAHAHA. Ang astig noh? Charaught lang! Yung kasama ko namang baliw na babae ngayon, yun yung to infinity and beyond kong bestfriend for life. Madeline Angel Sparks is the name. SAM for short. Pinagbaligtad lang naman yung acronym ng name niya. So, wag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Andito ako para ilahad ang pag-iibigan namin ng labidabs ko. Mahal ko siya. Mahal niya rin ako. Pero hindi ko alam kung hanggang saan namin kakayanin ang mga pagsubok na haharapin naming dalawa sa relasyon naming ito.

FLASHBACK 101

Two months na ang nakakaraan simula nung umalis siya ng Pilipinas para pumunta ng Canada. Gusto kasi ng parents niya na doon siya makapag-tapos ng pag-aaral. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya ako iniwan kasi una sa lahat, hindi niya naman ginustong magkalayo kami. Parents nga niya ang may plano nun, diba? Kaya wala kaming laban doon. All we have to do is accept the truth and wait for the right time. Ayoko rin namang maging selfish. Ayokong sarili ko lang iisipin ko. Alam kong mas mapapabuti yung future niya kapag nandoon siya. Mas malayo yung mararating niya. Kaya heto ako, bilang maganda at sexing girlfriend (ehem) susuportahan ko siya sa lahat ng gagawin at tatahakin niya sa buhay.

"Aray! Masakit ha." - Sabi ko sa katabi kong baliw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong binatukan ng bestfriend ko ngayong araw na 'to. Sobrang sakit na nga ng ulo, braso at ng buong katawan ko sa kakahampas niya sa akin e. Nandito kami ngayon sa classroom. Pero wala kaming pakialam sa dinidiscuss ng teacher naming si Panot na walang ibang alam na sabihin kundi "Physics is everywhere." 

"Tulala ka na naman dyan. Lakas mag daydream. Eh kung pinagmamasdan mo na lang yung pagmumukha ni Panot, edi sana, masaya tayong naghahalakhakan ngayon!" sabi ni Madeline, bestfriend ko. Sa lahat ng ugali meron kaming dalawa, sa pambubully at pagiging judgmental talaga kami nagkakasundo.

"Pwede ba Mads, tigilan mo na ako. Wala ako sa mood makipag-harutan!" sabi ko sakanya with matching irap.

"Naman best oh, araw-araw ka na lang ganyan sakin. Lagi mo na lang akong sinusungitan. Simula nung iniwan ka niya, ganyan ka na umasta. Hindi na ba kita napapasaya, best? Ha? Ha? Nakakatampo ha." akusta ni Sam with matching pout. Srsly, ang sarap niyang sapakin. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, pinadugo ko na bibig niya sa sobrang daldal.

"Mads naman, ang drama mo eh. Hindi ka ba titigil?! Wala nga kasi ako sa mood. And for your information, hindi niya ako iniwan. Umalis lang siya. Maya mo na ako kulitin, matutulog muna ako" reklamo ko sakanya.

"Ms. Young and Ms. Sparks, will you mind sharing your business in the whole class? Kanina pa ako dada ng dada dito and at the same time, sinasabayan niyo ako. Hindi na kayo nahiya! Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't-isa ha?" naku po, umextra na si Panot. Pag nagalit pa naman 'to, may papagawa siyang bagay na magiging dahilan ng pagka-yamot  mo sakanya sa buong school year!

"Sorry sir, hindi na po mauulit." paghihingi ng pasensya ni Sam. Kasi siya eh, inatake na naman ng pagka-hyper. Ayan yari tuloy kami!

"Talagang hindi na mauulit yan because from now on, hindi na kayo magtatabi sa subject ko. Kuha niyo?!" sabi ni Panot.

"Pero sir...." hindi pa kami tapos magreklamo at nagsalita na agad si Panot, "Walang pero pero dito. Ms. Sparks, doon ka umupo sa may pintuan katabi ni Ms. delos Santos. And Ms. Amethyst, doon ka naman sa may bintana. Katabi ni Mr. Gonzales."

Nagkatinginan kami ni Sam at napa-"Oh noooo" na lang ako sa mga sinabi ni Panot. Tinginan pa lang, nagkakaintindihan na kami ni Mads. Paano ba naman kasi, katabi lang naman niya si Sheila delos Santos na dati naming barkada. Kaso ngayon, napariwara. Nagalit siya sa amin or should I say, sa akin simula nung naging kami ng boyfriend ko. At yung magiging katabi ko naman ay si Angelo Gonzales na kababata ko na nanligaw sa akin noon. Too bad, kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sakanya. SImula nun, hindi na kami nag-uusap kaya feeling ko THIS IS A SUPER DUPER VERY AWKWARD ATMOSPHERE! At bago pa kami naghiwalay ni Sam, binulungan niya ako ng, "Boy-hunting tayo mamayang break" sabay kindat. Hayy kahit kailan talaga 'to, palibhasa kasi wala pang matinong lovelife eh. Ano na kayang mangyayari samin ngayong buong school year?!?!!? Haist

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Distance Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon